Chapter 37

1.7K 111 22
                                    

A/N: Aye yow, warning! Ang kabanata na ito ay naglalaman ng karahasan at mga lengwaheng hindi angkop sa mga batang nagbabasa nito. (-_-)

Krist's POV

Nasa harap na ako ng bahay namin dito basang basa dahil ang lakas ng ulan ngayong gabi at nagmamadali din akong umuwi dahil late na talaga ako.

Paniguradong triple ang parusa kong matatanggap nito kaya inihanda ko na ang sarili ko. 8:02 pm na ng gabi at nalate lang naman ako ng ganito dahil sabi ni Boss antayin ko muna daw huminto ang ulan. Ginawa ko ang sinabi niya, nag-atay ako ng nag-antay pero 'di parin humihinto ang ulan kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumugod sa ulan.

Nagmadaling umuwi kanina kahit pa sobrang sakit ng paa ko, halos matumba-tumba ako sa pagtakbo kanina dahil sobrang sakit ng mga ito lalo na't punong-puno ng mga pasa at sugat ang buong hita at paa ko. 'Di pa kase gumagaling 'to dahil nung naglalaba ako nung Sabado ay hindi ko napansin ang oras at 'di pa ako nakakapagluto kaya sobrang nagalit na naman ng stepfather ko nung mga oras na iyon.

Habang pinagsisipa n'ya ako sa galit niya ay hinahampas n'ya ako ng sobrang kapal na plywood na ginamit ko sa paglalaba, ang mga binti at hita ko. Tinatapakan n'ya rin ang pilay ko sa kaliwa kong paa at kanina ko pa talaga tinitiis ang sakit sa buong katawan ko sa sobrang pagkabugbog.

Mabuti nalang ay 'di pa ako tinamaan ng lagnat pero ngayon mukhang tatamaan talaga ako ngayong nagpa-ulan ako. Ang hindi ko maalis sa isip ko kung bakit di na ako sinasaktan ni Tukmol. Huminto sila ng ilang araw, kaya na-isip ko na isa sa plano nila ang pangungulit ni Klyde sa akin para mapaalis ako sa school na iyon, ngunit nagkamali sila ng kinalaban.

Bumuga ako ng malalim na hininga at saka ko napag-isipang pumasok na ako sa loob. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita ko.

Nakita ko kung gaano kababoy makipaghalikan ang stepfather ko sa naka upong paharap sa kan'ya na babae habang hinihimas himas nya ang pwetan ng babae mula sa pagkaka-upo sa sofa.

Umawang ang labi ko sa gulat, ako ang nasasaktan habang naiisip ko si Mama sa tuwing may inuuwi na babae ang stepfather ko. Alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa noon.

Napatigil sila sa ginagawa nila at gulat na napatingin sa akin ang babae na mukhang nasa 20 plus lang ang tanda nito sa akin. Samantalang ang sama-sama na ng tingin sa akin ng stepfather ko. Nag-uumpis na akong kabahan, alam ko ang nagawa kong hindi niya nagustuhan. Hindi ko dapat sila na isturbo.

Hindi na bago sa akin na magdala s'ya ng babae sa bahay pero 'yung makita ko kung anong ginagawa nila parang hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

Hindi ko kase nakikita ang mga babae n'ya na dinadala sa bahay noon dahil tini-text n'ya ako na 'wag umuwi sa bahay hangga't hindi niya sinasabi.

Matulog lang ako kung saan ko gusto, ayaw n'ya kaseng makita ng mga babae n'ya ang ako.

Akmang tatalikod na ako paalis nang bigla akong pigilan ng stepfather ko.

"D'YAN KA LANG!" buong lakas nitong bulyaw na kulang na lang ay pumutok ang ugat niya sa leeg, nakatalikod ako sa gawi nila at naka harap sa pinto.

"uhm.. Honey sino sya?" rinig kong may pagkaharot na tono ng pagkakasabi ng babae na kausap ang stepfather ko.

"Honey, pwedeng pumasok ka muna sa kwarto ko may tatapusin lang ako" may halong lambing naman na sabi ng stepfather ko. Nakakakilabot pakinggan.

Ilang segundo pa ang lumipas ay may narinig akong nagbukas at nagsara ng pintuan, nararamdaman ko ring papalapit na ang stepfather ko sa akin. Napapikit akong napatiim ang panga, gusto ko na lang tumakbo, alam ko na ang sunod na gagawin niya.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now