Chapter 13

1.9K 108 9
                                    

Krist's POV

Bigla akong nagising sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko dahan dahan akong bumangot at binalewala ang sumasakit kong katawan tinignan ko ang oras sa relo ko at 6:15 palang nang umaga 8:00 kase ang pasok ko.

(-_-)

'T*nginang buhay to bat nagising pa ako?'

Tumayo na ako sa sahig na walang sapin at pumunta sa kusina para magluto ng almusal at di ko na ininda pa ang pilay ko, ang mahalaga ay makapaluto ako ng mabilis para may oras pa akong kumain ng hindi nakikita ng stepfather ko

Ayaw nya kase ako pakainin sa umaga at gabi dahil nakakakain naman daw ako ng lunch, nakakatawa nga kase ako ang nagtatrabaho ako rin ang bumibili ng pagkain tapos sa huli ako pa ang di makakatikim.

Habang hinihintay maluto ang pagkain ay nag hugas na ako ng pinggan nagsuot muna ako ng glove para sa panghugas para di mapasukan ng sabon na panghugas ng pinggan ang hiwa ko sa kaliwa kong kamay.

Pagkatapos maghugas ng pinggan ay natapos naring maluto ang ulam at kanin saka ko nilagay sa lagayan ang ulam at kumuha doon, kumuha na rin ako ng kanin at nagmamadaling kumain para di ako maabutan ng stepfather ko.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ito agad at kumuha ng mga damit ko na nakalagay sa sako at saka ako pumasok sa banyo para maligo ng maligamgam na tubig

Tinanggal ko muna lahat ng bandage sa katawan ko, tiniis ang hampi doon bago nilgay ito sa plastic at nagumpisang maligo, habang naliligo ay ramdam ko ang hapdi at pagkirot ng mga sugat ko, nakita ko ang sarili kong dugo na sumasaboy sa agos ng tubig, ang tubig na naging kulay pula.

Pagkatapos kong maligo ay maingat kong pinunasan ang aking katawan at inumpisahang gamutin isa isa ang mga sugat sa buo kong katawan kahit nahihirapan.

Dinikitan ko rin ng yelo ang pilay kong braso, binalutan na rin ng bandage ang aking mga sugat saka ako mainggat na nagbihis at lumabas na ng banyo, nilagay ang gamit kong mga damit sa labahan.

Kumuha na rin ako ng panibagong damit na ipinasok iyon sa bag para iyon sa kung anong sunod na mangyayari sakin ay may pang palit ako. Kinuha ko ang isa kong cap na color white.

Ang suot ko lang naman ngayon ay maluwag na grey na jacket na may hoodie na naman, black pants na maluwag sa baba at rubbershoes na black na may design na apoy.

Tinatago ko ang mga iba kong suot sa isa pangsako na hindi makikita ng stepfather ko alam mo kung bakit? Simple lang..... Edi S. E. C. R. E. T basahin mo lang to malalaman mo din.

Di ko na inayos ang sarili ko dahil di naman ako marunong nun nilagay ko muna ang cap ko sa bag dahil basa pa ang buhok ko.

Di ko muna nilagay ang hood ko sa ulo hinayaan ko lang makita ang mga pasa at bangas sa mukha ko na may band aid sa pisngi, medyo nabawasan na rin ang pamamaga ng mukha ko dahil sa yelo rin na nilagay ko.

Sa mga oras na ito, mapipilitan akong pumasok sa eskwelahan kahit napakasakit ng buo kong katawan, dahil kung magpapahinga ako dito sa bahay ay baka panibagong bugbog ang danasin ko.

Nandito na ako sa school at papuntang classroom sa subject ko ngayon. Naglalakad na nakapamulsa, walang pakialam sa kung sino ang madaanan at mga usap usapang sinisiraan ako

Habang nasa kalagitnaan palang ako sa hagdan ng bigla akong matigil dahil may tumama sa ulo ko at tumulo pa sa sahig ang malagkit na tumama sa ulo ko na yun.

Kinapa ko ang ulo ko at may nakuha akong shell ng itlog, dahilan para mapabuntong hininga na lang ako.

'Panibagong araw. Panibagong gulo. Hayy t*nginang buhay'

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now