Chapter 99

1.4K 80 23
                                    

Mike's POV

Napapabuntong hininga kaming napapatingin sa mga sugat at pasa ni Krist habang ginagamot ng nurse dito sa Clinic ang sugat niya sa kamay, di parin maalis ang galit ko dahil sa ginawa nila Cindy sa kanya.

Nakaupo ako sa isang kama dito sa Clinic at ganon din ang iba kong mga kaibigan habang si Alex ay nakaupo sa isang single sofa dito at titig na titig kay Krist kaya napabuntong hininga ulit ako dahil baka lalo pang madagdagan ang inis ko sa pagtitig niya sa kanya

"Maiwan ko na kayo" ani ng nurse saka lumabas at sinarado ang pintuan na sinundan namin ng tingin bago kaming lahat mapatingin kay Krist at ganon din sya

Unang inabot ni Alex ang kumpol na rosas na kanina pa nya bitbit at ganon din kami habang white roses naman yung akin, lumapit na rin kami kay Krist sabay abot ng bitbit naming mga bulaklak

"P-Para saan yan? May patay ba?" nagtataka nyang tanong habang nakatingin sa mga bulaklak na nakaabot

"Pshh mukha bang pangpatay tong mga bulaklak na dala namin?" ani Alex na ikinangiwi ni Krist

"Para sayo yan Krist" ani Dave sabay ngiti

"Ahm.... Ano bang meron? Bakit nyo ko binibigyan nyan?" aniya sabay kamot sa ulo niyang napatingin sa mga bulaklak na hindi niya pa inaabot

Kanya kanya lang kaming react na nagkatinginan sabay tingin kay Krist "Wala!" sabay sabay naming sabi saka ibinaba kung saan ang mga bulaklak na hawak namin at inis na naupo

"Tss, para saan nga kase yan?" mahihimigan na naiinis si Krist at tinignan naman namin sya na kunot ang nuo

"Para nga sayo yan, ibibigay sana namin yan nung akala namin na nasa hospital ka pa" ani Calix na ikinakunot ng nuo ni Krist na nakataas ang dalawang kilay

"Ibig sabihin, dinalaw niyo ko kanina?" di makapaniwala niyang sabi dahilan para kanya kanya kaming react

"Of course bibisitahin ka talaga namin, why not?" ani Ranz sabay nguso at simangot na napasulyap sa red roses nya

"Tss, bisita lang pala kailangan pa talagang magbigay ng bulaklak?" aniya at nagkanya kanya na naman kami ng react dahil para kaming mababaliw sa babaeng to

'Di pa ba sya nabigyan ng bulaklak ng lalake noon? O kahit man lang alam niya ang ibig sabihin kapag binigyan sya ng bulaklak ng lalake noh?bakit pa kase karibal ko pa mga kaibigan ko eh, kainis!'

Napatingin ako sa may pilay niya bukod sa may bandage ito ay may napansin ako doong kumikislap kaya napatitig pa ako saglit doon

Lumapit ako sa kanya at tinignan nila ako, nakaluhod ang isa kong tuhod sa harapan ni Krist saka tinignan ang kumikislap na bagay sa may ankle niya

"What are you doing?" pagtatanong ni Krist ng akma kong hahawakan ang paa niya, inangat ko ang tingin ko sa kanya na ngayon nakakunot ang nuo

"Titignan ko sana kung ano yung kumukislap banda dito" ani ko na itinuro ang bagay na yun na bahagyang nakatago sa pahitan ng medyas at bandage nya

Akma ko ng kukunin ulit ang paa nya ng ilayo nya ito kaya napaangat ulit ako ng tingin sa kanya na mas lalong nakakunot ang nuo "Ano ba yan? Patingin" rinig kong ani Ranz na nakalapit na pala na bahagyang nakaupo at nakakinto ang dalawang paa

"Hoy——" aangal pa sana si Krist ng mahuli ni Ranz ang paa nito at hinila ang bagay na yun at nakitang ankle bracelet lang pala

'bat kailangan nya pang itago?'

I Just Want to be Happy [Completed] Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu