Chapter 14

1.9K 100 1
                                    


Calix POV

I'm Calix John Bright, 19 years old. The son of a famous engineer. 4th year highschool, the same lang kami ng mga barkada ko. Since the day nung ma-operahan sa puso si Ranz 2 years ago, we promised to each other na kailangan sabay sabay kaming makapagtapos sa pag-aaral.

Nandito na ako ngayon sa room at nagdidiscuss na ang prof history subject namin, sa pagkakaalam ko ay magkaklase kami ngayon ni Dave pero wala pa s'ya.

Nakita ko rin ang lahat nang nangyari kanina kasama sina Alex na kung paano iwasan ng mabilis ni Krist ang mga binabato sa kanyang mga harina, kung paano galit na galit si Dave sapag sabunot ni Cindy kay Krist.

Silang dalawa ay di sumama dahil nagtatampo sila sa amin, doon sa ginawa naming kalokohan kay Krist, pero di alam ni Dave ay ang tinutukoy na tomboy ni Alex na nakabangga namin ay si Krist.

Wala na kaming balak na sabihin yun dahil mukhang close si Krist at Dave baka magkagulo pa, pero kahit nakita na ni Alex na mukhang magkakilala silang dalawa ay itutuloy n'ya parin ang plano, wala kaming magawa kundi sumunod dahil iba magalit si Alex at ayaw naming masira ang pagkakaibigan namin.

Nasa kalagitnaan na sa pagdidiscuss ang prof namin ng biglang may kumatok at binuksan naman iyon ng prof.

Bumungad sa amin si Dave ang una pumasok at sa likuran nya ay sunod na pumasok at si... Krist! Na nagdulot ng pagbubulungan dito sa loob.

'sabi ko na nga ba at magkasama silang dalawa '

Napalingon ang prof kay Krist, nabigla pa ito nang makita ang mukha ni Krist na pasa, may namumuo pang dugo sa magkabilang pisngi at putok na labi, may band aid sa itaas sa kanang bahagi ng pisngi n'ya.

"Oh my gosh Ms. Corpuz what happened to your face?" lumapit si prof kay Krist pero tinignan lang sya ni Krist nang nakapamulsa at blankong mukha.

Yan talaga ang pinakakinaiinis namin sa kanya kahit saan mapunta ay walang reaksyon ang mukha yung tipong nag-effort kang galitin s'ya pero parang di naman sya affected.

'She act like a vocalist in the Venoms Band.. Who's that again? Kriz? Kriza? Ah Krizelle pala. Her voice is amazing. Gusto ko s'yang makasama sa banda ko'

"I'm sorry we're late ma'am sinamahan ko pa po kase si Krist———" tinuro ni Dave si Krist habang sinasabi iyon.

Habang s'ya mukhang di interesado sa pinag-uusapan nila.

"No that's ok naiintindihan ko naman sa sitwasyon ni Ms. Corpuz ngayon you can take your sits now" pagpuputol ni prof sa sasabihin ni Dave.

"Thank you for understanding ma'am" sabi ni Dave at ngumiti

"No problem" si prof habang naglalakad pabalik sa pisara at nagsimula na ring maglakad sina Dave at Krist

Nang mapansin ako ni Dave ay umupo sya sa kabilang upuan sa may gilid ko na may bakanteng isang upuan sa gitna namin.

"Dito ka na sa gitna namin Krist" ani Dave na ikinatigil ko.

'Sh*yt'

Tinignan muna ako saglit ni Krist at ibinaling ang tingin kay Dave saka binaling ulit ang tingin sa akin bago napabuntong hininga, naupo na s'ya sa gitna namin na nakapamulsa parin, mukhang napipilitan.

Akala ko iiwas sya sa akin dahil nakita nya ako pero hindi, tinabihan nya pa ako na parang walang nangyaring away sa pagitan namin. Di ko alam kung anong pinaplano ng tomboy na ito, baka mamaya nag-iisip na ito ng maigaganti sa amin.

Umupo syang parang lalake. Naka pamulsa ang kaliwang kamay at gamit ang kanang kamay ay ikinabit nya ang headset sa magkabilaang tenga nya bago ipinatong ang kanang kamay sa armchair nya at dumukdok doon.

'Is she going to sleep again in our class hour? Mabuting estudyante'

Habang nagdidiscuss si prof ay lumipas pa ang ilang minuto bago niya napansing natutulog si Krist. Balak nya pa ngang ipagising ito para makinig sa klase pero nagdahilan si Dave na pagod daw si Krist at ang katawan nya dahil sa mga pasa na natamo kaya sa huli ay pumayag na rin si prof. Di na nagtanong pa  kung saan nito nakuha ang bugbog sa katawan.

Pagkatapos magturo ng prof namin sa history, ay tinignan ko ang sunod na subject sa schedule ko ay ang math. I stood up, nagligpit ng mga gamit.

"Krist wake up... Krist? " napalingon ako kay Dave na ginagising si Krist at sinisilip silip pa.

'Tshh ano bang relasyon ng kaibagan ko na 'to sa tomboy na yan? How come walang nasasabi si Dave sa aming may kaibigan siyang babae?'

Mayamaya pa ay inaangat na ni Krist ang ulo nya at tinigtan si Dave ngumiti naman si Dave sa kanya uminom muna ako saglit ng tubig at pinakinggan sila.

"Anong next subject mo?" ani Dave sa kanya habang nakangiti parin, tumingin muna sa paligid si Krist.

Napansin sigurong nag-dismiss na. Umayos siya ng upo at kinuha nya ang right wrist ni Dave, tinignan tinignan ang oras sa relo ni Dave saka nya binitawan ito at tumingin kay Dave.

"math" tipid nitong tugon habang nakatingin kay Dave, natigilan ako sa narinug bago biglang nasamid.

Ang sakit sa lalamunan at napasukan pa at ang ilong ko ng tubig. Umubo lang ako ng umubo at nakita ko si Dave na papalapit sa akin habang si Krist ay blanko nakatingin sa akin.

"Calix are you ok?" si Dave habang hinahimas himas ang likod ko tumango lang ako na umuubo parin, binalik ko na ang tubig ko sa bag at isinabit iyon sa balikat ko

"m-mauna na ako *ehem* sainyo"  Hinihimas ko ang lalamunan ko sa ani kong pagpapaalam

" ok sige ano palang subject mo?" ani Dave

Gulat akong napatingin sa kanya, di inaasahan ang tanong niya. Tinignan ko saglit si Krist na nakatingin lang sa amin na walang emosyon. Ibinaling ang tingin ko kay Dave na nagaantay ng sagot ko.

"math" tipid ko ring sabi sa kanya at tumango lang sya saka nya binaling ang tingin kay Krist

'Siguro ay nagtatampo parin sya sa amin'

"Sayang di na kita kaklase sa next subject Krist..Ahm..by the way pala sya si Calix.... kaibigan ko" turo nya pa sa akin at para bang nagdadalawang isip pa syang sabihin ang salita kaibigan, nagtatampo pa siguro s'ya sa amin, tumango lang si Krist sa akin at ganon din ako, kunware it's our first time to meet each other.

'Oo nga pala di nya pa kami kilalang nambugbog sa kanya'

"Calix sabay na lang kayo ni Krist sa next sub———"

"Kaya ko na magisa" pagpuputol ni Krist sa sasabihin ni Dave sa akin

Tinapik ang balikat ni Dave at nauna na sya maglakad, lumabas ng room na nakapamulsa bago sinuot ang hood nya, sumunod narin akong lumabas ng room sa kanya pero nasa likuran ko s'ya, sinasadyang bagalan ang lakad upang di ako mapalapit sa kanya.

'Kung minamalas nga naman, hanggang sa next subject, we're still classmate'

****

I Just Want to be Happy [Completed] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang