Chapter 110

1.5K 76 12
                                    

Alex's POV

Napakurap na lang ako ng ilang beses ng isara niya na ang pintuan sa banyo at nakatingin lang don na para bang tumatagos ang paningin ko doon

'F*ck what is wrong with me?! What are you thinking Alex? Nakakahiya baka isipin niyang manyak ako dahil iba ang naiisip ko ng pumasok sa kwarto niya, Bakit niya kase ako pinapasok?'

'Sa kwarto niya pa talaga?...... F*ck, sino ba naman kase ang di iba ang iisipin kung lampshade lang ang gamit na ilaw at ilaw lang sa labas? Tapos sasabihin pa nyang magsha-shower sya'

Inilibot ko na lang ang paningin ko sa room niya bago pinunasan ang pawis ko gamit panyo, naisipan kong tumayo saka naglakad papalapit sa lampshade na pinatay yun at in-on naman ang ilaw para sa buong kwarto na medyo nasilaw pa saka ko muling nilibot ang paningin ko

Maglalakad na sana ako pabalik sa sofa ng bumukas ang pinto ng banyo, otomatiko akong napatingin doon at nakitang nakabihis na sya na black loose t shirt at hanggang tuhod na black short habang nagpupunas sya ng buhok niya

'She's already done? Ang bilis nya namang maligo wala pa atang 15 minutes, para talaga syang lalake di na kailangan sa katawan ng madaming arte'

malayo palang sya ay na aamoy ko na sya ang pamilyar nyang amoy lalake

'F*ck bat bumagay sa kanya ang amoy lalake? Nakakabakla pakinggan kung na a-attract ako sa amoy niyang panlalake'

Palihim akong napangiti dahil ang cute niya talaga tignan lalo na kapag nangungunot ang nuo niya sa kakapunas ng buhok na mukhang naiirita sa haba ng buhok nito

Sinabit niya muna sa braso niya ang tuwalya bago sumulyap saglit sakin at isinabit sa hanger ang tuwalya bago kinuha ang maroon cap niya"Tara" aniya at napanganga ako ng maisip na

'Di ba sya muna magaayos o kung anong ilalagay sa mukha tulad ng nakasanayan kong nakikita sa mga babae?'

Napahinto sya ng hawakan ko sya sa braso na pinigilang lumabas dahilan para mapatingin sya sa pagkakahawak ko saka tumingin sakin "Di ka ba magaayos?"

"Tss, mukha bang nasa bukabularyo ko yun?" pabalik niyang tanong sakin at napataas naman ang dalawang kilay ko

'Ay Oo nga pala palaging magulo buhok nito kaya napapagkamalan ko syang tomboy di lang sa kilos niya kundi pati na rin sa kung paano sya magayos'

" Kahit.....suklay man lang?"napasulyap pa sya sa pagkakahawak ko sa kanya at pabiglang inalis yun kaya naibaba ko na lang ang kamay ko

" Wala ako nun "aniya

'Seriously? Anonf palagi niyang dala bukod sa damit? Mga libro at gamot niya?'

Kahit magulo parate ang buhok niya ay di sya nagmumukhang bruha dahil tulad ng mga nakikita kong mga cover sa magazine ay ang hot nya tignan kapag messy hair, ang cute niya naman tignan kapag may pagkakataong naaayusan ang buhok niya ng mga kaibigan niya

Napaisip naman ako ng maalalang may suklay akong dala, kinuha ko mula sa loob ng leather ko ang tamang sukat lang ng suklay saka inabot sa kanya, tinignan niya lang yun "Wag na nakakatamad" yun lang saka ako tinalikuran

Hinawakan ko ulit ang braso niya saka ko sya pinaharap sakin at lumapit sa kanya, kita ko pa ang pagkagulat niya na medyo di halata ng ako na mismo ang nagsuklay sa kanya, mas lalo ko pa syang naamoy dahil malapit na kami sa isa't isa

Kinakapa kapa ko pa na inaayos ayos ang buhok niya gamit ang isa ko pang kamay at marahang sinuklayan ang mahabang buhok niya na malapit na sa pwetan niya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now