Chapter 7

2.3K 138 10
                                    

Krist POV

Nang makapasok na ako ay meron pa akong nakitang dalawang babae na halos mukhang nasubsob ang pisngi nila sa pula nito at para bang Halloween ngayon sa puti ng mga mukha nila

Nasa may lababo sila at nakaharap sa salamin ngunit ng makita nila ako ay bigla silang nagbubulungan, di ko alam kung bulong paba tawag doon o parinig kase naman bubulong na lang nga, yung rinig na rinig ko pa

Girl, di ba sya yun?

I think, she's the one who smacked Alex's handsome face

What?! Ang kapal ng mukha niyang pumasok pa sa araw na 'to

And one more thing, mukhang sya ang next target ng Hari sa Campus

Haha, bagay lang yun sa kanya, look there's something on her face

Yeah.. May bakas ng kamay.. nasampal yata?

Bulungan nila na sumusulyap sulyap sakin habang marahan ko lang isinara ang pinto.

Rinig ko pa ang mahina ngunit matunog nilang tawanan

I think it's the start

Umpisa na ng paghihirap niya

Sinulyapan pa ako nito na insulto akong tinignan

Makaalis na nga dito, baka mangamoy basura pa tayo

Umusog pa ako para makadaan sila matapos magligpit pero nagiwan naman ng nakakahilong matapang na amoy ng pabango nila na mas lalo kong ikinaubo ubo at napatakbong pumasok sa isang cubicle

Nai-lock ko na ang pinto ng cubicle na pinasukan ko bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto, may panibago sigurong lumabas dito

Nang maramdaman ko ng ako nalang ang magisa dito sa loob ay saka ko palang binuhos ang aking mga luha na kanina ko pa pinapigilan, tinakpan ko rin ang bibig ko para walang makarinig kung sakali mang may tao pa dito bukod sa akin, di ko na inalintana ang hapdi ng sugat at kirot sa pasa ng aking labi

May suot na akong nebulizer habang patuloy sa pag agos ang mga luha ko. Paulit ulit sumasagi sa aking isipan ang mga pang aabusong aking kinagisnan

Wala ka talagang kwenta! simpleng bagay di mo kayang gawin?! Dahil dyan hindi ka kakain!

PALAMUNIN KA LANG!!

Tanga tanga ka kase paghuhugas lang ng pinggan binasag mo pa alam mo ba kung anong presyo nyan?! Mas mahalaga pa sa buhay mo!! Tang*na mo! alam mo kung bakit? DAHIL WALA KANG KWENTA! Kaya iniwan ka na ng mga pamilya mo!

Asan na ang almusal ko?! Di ba dapat mas nauna ka pang magising sa akin para magluto ng pagkain ko?!

Omg girl look, hahaha kaya pala ang baho baho dito naglalakad na pala ang basura ng truck haha

Yuck! Weirdo!

Ew girl nakakatakot sya tignan.. Kaya siguro walang may gustong makipagkaibigan

Ano ba Krist! Simpleng paglilinis lang ng sahig di mo pa magawa ng maayos!

Gusto mong imudmod ko ang pagmumukha mo dyan sa maruming tubig na yan para matigil yang ganyang paraan mo na tingin?!

Sanay na ako sa mga masasakit sa salitang natatanggap ko. Mga pang aabusong nararanasan ko araw araw na halos ikamatay ko na lang, walang magbabalak na tutulong

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now