Chapter 139

922 53 17
                                    

Krist's POV

Mabigat ang pangangatawan ko ng maimulat ko ang aking mga mata, nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha

"Oh. Tamang tama gising ka na Ms. Corpuz" rinig kong may nagsalita sa may gilid ko, napatingin ako doon

Nakita ko ang si Mrs. Williams na may dala dalang tray at may lamang kung ano na mukhang kakapasok nya pa lang

Kunot nuo kong tinignan ang paligid

'Nasan ako? Anong nangyare? Bat ako nandito?'

Sunod sunod na tanong na sumagi sa isip ko bago napatingin muli kay Mrs. Williams

'Sa pagkakaalam ko wala sya dito kagabi nung pumunta ako---teka anong nangyari kagabi?'

Napatulala ako sa kawalan. Iniisip kung ano ano ang mga nangyari sa mga oras na yun. Unti unti kong naalala ang mga nangyari

Ang huli kong naalala ay nakaupo ako sa may damuhan sa tapat ng mansyon nila habang binabalewa ang ulan. Basang basa ako at hinang hina lalo na sa mga oras na yun ay inaatake na ako ng hika at sakit ko sa puso, dagdagan pa ng salo salong emosyong aking nararamdaman

Naalala ko ang mga masasakit na salitang binitawan ni Tukmol sakin. Kung paano nya ako tratuhin, kung paano nya ako insultuhin o laitin, kung gaano sya kalamig tumingin, lahat ng iyon ay mananatili na siguro sa aking mga iisipin.

Nabalik ako sa wisyo ng marinig kong magsalita si Mrs. Williams at saka ko lang napansin na nailapag nya na ang tray sa harap ko na puro masusustansyang pagkain

"Mainit ka pa, ang taas ng lagnat mo kagabi pero buti na lang medyo humupa na" aniya sabay hawak sa nuo ko kaya napatingin ako doon, pareho kaming natigilan sa pagkakahawak nya sakin saka nya mabilis na tinanggal ang kamay nya sakin

Tumikhim sya "Patawad" aniya, humihingi ng tawad ng dahil lang sa paghawak sakin, may malalim na dahilan kung bakit di ako basta basta hawakan at mga may kilala lang sakin ang nakakaalam kung bakit

"Ayos lang" ani ko na ikinagulat nya lalo

"H-ha?" naninigurado nya pang sabi na para bang mali ang pagkakarinig nya

Umiwas lang ako ng tingin na napatingin sa pagkain na nilapag nya sa harap ko na may kasamang mga gamot

"Salamat" mahina kong nasabi

Di sya umimik kaya napaangat ako ng tingin sa kanya na lalo pang nadagdagan ang gulat nyang napatingin sa akin, dahil siguro na yun na ang unang beses na muli nyang narinig ang salitang yun mula sakin

Napakurap sya ng ilang beses

"Asan si Alex?" yun ang pinakaunang tanong na lumabas sa bibig ko, dahil mula kanina ay sya na agad ang hinahanap ko

"A-ah.... Pumasok na.... Actually tinawagan kami ni Nay kahapon Ms. Corpuz----" natigilan sya sa magalang na pananalita nya sakin ng magsalita ako

"Krist na lang" aniko at tulad kanina ay punong puno sya ng gulat sa kanyang mukha bago napakurap ng ilang beses at dahan dahang napatangi na lang

"T-tinawagan kami ni Nay tungkol sa mga nangyayari dito kaninang madaling araw" aniya

Tumango naman ako saka ulit bumaling sa pagkain.

'Simula ng malayo at naging malamig ka sakin..... wala na akong ganang kumain'

Katahimikan ang naghari sa pagitan namin, inaantay ko lang sya sa kung anong sasabihin nya o kung kailan sya aalis

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now