Mike's POV
Linggo ngayon and It's my turn. Bumaba na ako ng kotse at nasa tapat na ako ng bahay ni Krist, kumatok na ako at ilang beses syang tinawag
Kakatok pa sana ako ulit ng biglang bumukas ang pinto kaya tuloy nakatok ko ang ulo nya at sumalubong sakin ang inaantok nyang mukha
Tumikhim ako sabay alis nung kamay ko sa may nuo niya, umawang ang labi ko pero wala ni isang salita ang lumabas ng mapatingin ako sa mga kamay niyang may mga sabon
"Naglalaba ka?" pagtatanong ko bago ako tumingin sa kanya
Bumuntong hininga sya bago tumango sabay sabing "Obvious ba?" pamimilosopo nito kaya napakamot na lang ako sa ulo ko
Magsasalita na sana ako at magpapaalam na lang kase baka makaisturbo ako pero inawang niya ng malaki ang pintuan saka sinenyasang pumasok
Pumasok na ako bago niya ako inayang maupo "Antay ka lang dyan isasampay ko na lang yung natapos ko" aniya na di man lang nagtanong kung bakit ako nandito
Tumayo ako ulit "Tulungan na kita" I volunteered
"Kaya ko na" umalis na sya at pumunta kung saan kaya wala na akong nagawa kundi maupo na lang at magmuni muni about sa kinwento ni Klyde samin kagabi
What she did at that bar was unbelievable, di kami agad naniwala ng ikwento ni Klyde ang tungkol doon pero napagisip isp ko na ganon sya kabangis makipaglaban na ang kinalaban niya ay anak ng isang hitman na si Ax na isa ring gangster pero magkalaban kami
Si Ax ay anak ng isang hitman na kung saan ay pinuno sya ng isang malaking gang na maraming konesyon, isa rin sila sa mga mayayaman na pamilya kaya nagagawa nito ang kanyang mga gusto
Actually nanghingi ako ng favor kay Klyde nung nakaraang araw about sa gang ni Ax, dahil nga nagbago na ako at ayaw ko na ng gulo ay gumawa sya ng kondisyon para di na kami magtuos at di niya na ako tawaging duwag na ikinaiinis ko
Ang kondisyon na yun ay kapag may na irepresenta kami sa kanya na pwede niyang makatuos at makakalamang sa kanya ay di niya na ako guguluhin pa lalo na ang mga bata ko na nagbalita sakin ginulpi sila ng mga bata ni Ax at naghahamon ng away
Di ako makaharap sa kanya kahapon dahil busy ako kakaasikaso about sa business ni Mommy na gusto niyang ipamana sakin ang kompanya nila kaya si Klyde na lang ang inutusan ko tutal marami naman syang time tulad na lang sa pambababae niya noon dahil nagbago na daw kuno siya
Gusto kong upakan si Klyde ng malamang si Krist pa talaga ang dinala niya para ipanglaban kay Ax imbes makipagusap lang siya ay nauwi na sa sakitan
Di talaga ako makapaniwala ng mabalitaang na ospital ang apat na kasamahan na lalake ni Ax kagabi ang isa pang nakakagulat doon ay isa sa kasama niya ay na comatose ngayon sa hospital at na dislocate pa ang isang braso nito ang iba sa mga kasamahan niya ay bali bali din ang mga buto pero di ganon kalala tulad na lang ng isa pang kasamahan niya na nabalian ng buto sa ilong sa pagkakasipa daw ni Krist samantalang si Ax ay wala kaming nahagip na balita
Ang pagkwento ni Klyde ay parang di man masyadong umeffort makipaglaban si Krist pero sa hospital naman ang bagsak ng mga to, kahit alam ko ng ganon sya kabilis kumilos ay di ko parin maiwasang magulat sa kwento ni Klyde
Napagisip isip namin na posibleng sya ang may ari ng bar na yun dahil simula ng mangyari yun kagabi ay wala parin kaming naririnig na balibalita sa nangyari na yun na parang normal lang ang lahat. Ang weird, lalo na ang mga bumibisita doon ay parang wala silang idea tungkol sa mga nangyari, siguro ganon kalakas ang connection ni Krist
![](https://img.wattpad.com/cover/220675395-288-k410642.jpg)
YOU ARE READING
I Just Want to be Happy [Completed]
Teen Fiction[Part 1] "Magkaiba man tayo ng pagkatao, handa naman kitang mahalin kung ano o sino ka ng buong puso" Isang babae na kung umasta ay daig pa ang lalaking cold, tahimik, matalino, pilosopo at higit sa lahat gwapo-este... maganda, siguro. Kristine J...