Chapter 75

1.6K 94 3
                                    

Krist's POV

"Wash your face!" sabay sabay nilang sabi na mukhang galit na maliban kay Herbie na napahawak lang sa bibig niya habang tulala ko lang silang tinignan dahil sa ginawa ni tukmol at kanina pa rin nagiingay ang relo ko kaya pasimple ko itong tinanggal

Napatingin ako kay Herbie kung paano siya magreact 'Sinasabi ko na nga bang may tinatago to'

"Now" napatingin naman ako kay Dave ng magsalita siya na parang inuutusan ako

'Tss t*ngina naman ginawa akong utusan ng mga to!'

Kinuha ko lang ang racket na nabitawan ko at di paman ako nakakahakbang ng hinila ako ni Mike at di ako nakawala kaagad dahil di ko inaasahan ang pagkaladkad niya sakin

'Ano bang nagawa ko para magkaganito sila? Ah baka galit na sila dahil alam nila na kalaban ako, mas mabuti naman'

"bitiwan mo nga ako!" inis kong sabi at walang kahirap hirap kong ako na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak niya na ikinatigil niya

Magsasalita pa sana ako ng may humawak sa kabila kong wrist na si Dave pala at hinawakan ulit ni Mike ang kabila ko pang palapulsuhan

Akala ko ay pagaagawan na naman nila ako pero nagkamali ako dahil pagkatapos nilang magkatinginan na mukhang silang mga lalaki lang ang nagkakaintindihan ay sabay akong kinaladkad ni Dave at Mike at nagpupumiglas pa ako dahilan para mabitawan ko ang racket

"Bitiwan nya nga ako! T*ngina naman may laro pa ko!" inis ko na talagang sabi sa kanila pero patuloy pari sila sa paglalakad habang patuloy naman ako sa pagpupumiglas at di ko alam sa sarili ko dahil bigla akong nanghina ng tignan nila ako ng seryoso kaya sa huli ay para akong batang nagpatianod na lang sa paghila ng mga magulang

Napatingin ako sa nahulog kong racket na bitbit na pala ngayon ni Calix habang nakasunod sila samin ng kaibigan nila at mukhang nagkakaintindihan ang mga to sa gusto nilang mangyari

'T*ngina bat ako kinakabahan? Anong gagawin nila? Di naman ako kinakabahan ng ganito maliban sa prisensya ng stepfather ko'

"S-san tayo pupunta?" ani ko pero na sinubukang wag mautal, di nila ako sinagod at nagpatuloy lang sa paglalakad ng mabilis na mukhang galit na galit sila at may parang susugurin maliban kay Herbie na mukhang nagtataka din sa mga kaibigan niya at napipilitan lang na sumama

'Tss kasalanan to ng tukmol na yun, p*tik! edi sana di to nangyayari, ano bang pinaplano ng mga to?'

Mayamaya pa ay napatigil kami sa pinto ng Girls CR saka binuksan iyon ni Mike ng di kumakatok dahil sinipa niya lang ang pintuan dahilan para magulat ang mga ibang babae dito na ang ilan ay naglalagay pa ng kolorete sa mukha at ang iba naman ay nagsusuklay ng buhok

Sa isang tingin ng magkakaibigan sa mga babae ay natatarantang nagsilabasan ang mga to na para bang hinahabol ng tsunami na halos magkandarapa na sila

Marahan akong pinapasok ni Dave at Mike sa loob na ngayon palang ako binitawan saka napasandal si Dave sa gilid ng pintuan na nakacrossarm at seryosong nakatingin sakin habang si Mike ay nakapamulsa at seryoso din ang mukha, ganon din makatingin ang iba nilang kaibigan sakin, si Calix ay pinapalo palo pa ang racket sa palad niya, si Klyde ay nakasandal sa pader at pailalim akong tinignan, si Ranz ay magkasalubong ang kilay na nakasandal din sa pader na nasaharapan ko habang si Herbie ay napakamot na lang ng sentido

"Anong————" naputol ang sasabihin ko ng masalita si Dave

"Wash your face" seryoso nitong sabi

"Tss, may laro pa ako baka hinahanap na ako ni Coach Smith doon" sabi ko pa at akma ng lalabas ng harangan nila ako lahat na halos wala ng space maliban na naman kay Herbie

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon