Chapter 83

1.6K 103 7
                                    

Alex's POV

Papunta na kaming magkakaibigan sa Canteen na ngayon palang ang break, katatapos lang ng Contest at ayun hinakot lang naman ni tomoy lahat ng Contest na kung saan ako ang naglista sa pangalan niya at hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na ang bully ko dati sa kaniya ay hindi niya pinalampas at pinatulan niya

Mas lalo akong mababaliw sa mga nangyayari samin simula ng makilala namin si tomboy, kung hindi wirdo ay nakaka kaba naman na halos maalis ang kaluluwa mo sa takot na dinaig pa ang pakikipagrambol namin sa dating mga gang na nakakalaban namin

Inaalala ko ang ginawa ni tomboy kanina sa babae at di talaga maalis sa isip ko yun dahil di ko akalain na magagawa niya yun at ipamukha sa lahat na ganon siya katindi manakit at ganon siya kasama

Sa lagay ng babae sa tingin ko ay maooperahan ang paa nun dahil baling bali yun at sa tingin ko rin ay lumabas ang buto doon dahil bumakat sa suot niya, o kaya naman ay magiging artificial na lang ang paa niya o baka tuluyan na siya di makalakad at mahinto na sa pagta - Teakwondo

Naalala ko tuloy kung paano niya binali ang kamay ko ng walang kahirap hirap pero ang mas ikinagulat ko nun ay nabalik sa dati ang nabali kung mga buto sa kamay na siyang may gawa nun

Naikwento na samin ni Calix na kaya daw siya nawala nung time na sinasaktan pa namin si tomboy ay sinundan niya daw nun si tomboy at sa pabigla niya paglapit kay tomboy ay binalibag lang naman siya kaya akala niya ay bali na ang buto niya sa likod dahil sobrang sakit ng pagkakabagsak niya pero nagulat kami ng sabihin niyang katulad sa ginawa sakin ni tomboy na parang kinapa lang ni tomboy kung saan ang pilay saka bigla nalang nabalik sa dati ang lahat at naging maayos na ang pakiramdam niya

'Unbelievable!sino ka ba talaga tomboy bakit ang dami mong kayang gawin? Kahit ilang araw na kitang nakikita ay di parin kita kayang kilalanin'

Alam kong di dapat ako magtago ng sekreto sa mga kaibigan ko dahit pinangakuan namin yun pero gaya ng sabi ni tomboy ay di ko pinaalam sa iba o nagsumbong sa pulis ang nakita ko noon sa bahay nila kung paano siya alipustahin ng stepfather niya na ang dahilan niya ay maraming buhay ang mawawala

'Bakit ba lahat ng gagawin niya ay may idadahilan siya? Ano naman ang idadahilan niya sa ginawa niya kanina sa babae?'

Malalim ang iniisip ko at di ko na napapansin ang mga nasa paligid ko pati ang mga babaing nagtitilian ng mapadaan kami ay halos di ko marinig dahil wala ako sa wisyo hanggang sa may nakapukaw ng interes ko

Girl alam mo ba yung girl na parang lesbian na lumalandi at dikit ng dikit kela Alex?

Yes girl kilala ko siya kase you know famous na siya sa Campus na to kase she's cool daw eww, why do ask pala?

Girl napanood mo ba kung paano niya baliin ang paa ng isa sa representatives ng teakwondo sa SUS

Hindi girl kase di ko hilig manood ng mga ganyan tsaka ayaw kong makita ang pagmumukha niya pero seryoso girl?! Ginawa niya yun?

Yes girl tsaka kung ako sayo be careful sa mga sinasabi mo tungkol sa kaniya dahil balibalita sa mga fans ng pangit na Krist na yun ay yung babaeng taga SUS daw may masasakit daw siyang sinabi kay tomby nung nasa locker daw sila tapos tinatakot takot pa daw nila si tomby at tinulaktulak and take note pinagtulungan daw nila si tomby kaya ayun siguro nagawa niya yun

Grabe naku zip kuna my mouth ko baka..... no! i don't want to experience that bali bali bones eww

Sa mga narinig ko ay kaagad kong nilapitan ang mga babae na naguusap na yun at halos di nila alam ang gagawin sa paglapit ko na impit silang napatili at pulang pula ang mga mukha na kulang na lang himatayin sa kilig

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon