Chapter 45

2K 120 32
                                    

Dave's POV

Nasa Canteen na kami ngayon at break time na. Magkatable nila kami ni Ken dahil hindi din daw muna s'ya sasabay kela Alex kumain.

"Ahm.. Krist may I ask?" tanong ko kay Krist at pinaglalaruan ko lang ang pagkain ko. Napahinto naman s'ya sa pagkain at ngumunguya pang tumingin sa akin.

"Nagtatanong ka na" puno ang bibig niyang sabi, mukhang hindi papaawat sa pagkain. Namimilosopo.

Naiisip ko na naman ang mga sinabi ni Mike, sa nangyari ay normal na kay Mike na hindi magsumbong sa pulisya dahil gang leader siya.

"About kay Mike kanina.. totoo ba 'yung sinabi ni Mike na————" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko nang may nagsalita sa may gilid namin dahilan para mapatingin kami sa nagsalita.

"Can I join?" si Mike na may dalang tray, ikinagulat namin at ipinagtaka maliban kay Krist na walang emosyon lang nakatingin. Muntikan pa akong mabulunan.

Napatingin si Krist sa akin at kay Ken na para bang sinasabi n'ya na kami ang sumagot tutal kami ang kakilala ni Mike. Mukhang kaya niya na ulit ikilos ang katawan niya kahit nabugbog siya kanina. Sanay na siguro sa sakit ng katawan.

Si Nickie ay nagugulat ring napatingin kay Mike, mukhang natatakot sa presensya nito kaya tumigil ang kadaldalan niya kanina pa.

Nagkatinginan naman kami ni Ken at tumingin kay Mike saka sabay na tumango kami dito bilang sagot. Ipinagtataka namin lalo nang hindi pa rin s'ya umupo at napansing wala na ring upuan sa gilid namin at naka tingin lang s'ya kay Krist na kumakain na ulit ngayon, para bang inaantay ang sagot nito.

Napatigil naman sa pagkain si Krist nang maramdaman sigurong nakatingin kaming lahat sa kan'ya at tinignan n'ya rin kami isa-isa bago dinapo ang tingin kay Mike sabay inom ng tubig.

"Wala ng upuan" tipid nitong sabi at nagpatuloy ulit sa pagkain, mukhang ayaw talaga magpaistorbo. Sa pagkakasabi niya ay parang pinangangahulugan niyang hindi niya na kasalanang wala ng upuan.

Napatingin ulit kami kay Mike na ngayon ay tumingin s'ya doon sa isang lalaking mag-isa lang naka-upo sa mesa at mukhang lapitin ito ng bully.

Nahinto naman sa pagkain ang lalaki at mabilis na kumilos, tumayo at nilagay n'ya ang bakanteng upuan sa gilid ng table namin para doon maupo si Mike bago mabilis bumalik sa kinauupuan ang lalaki.

'bully talaga kaya maraming natatakot'

Umangat ang gilid ng labi ni Mike at nilapag ang pagkain n'ya sa lamesa saka naupo doon sa upuan, tumingin naman s'ya ulit kay Krist na hanggang ngayon ay parang walang paki sa mga nakatingin sa kan'ya. Ang takaw talaga, hindi naman tumataba sadyang malaking babae lang talaga.

Mas lalo naming ipinagtaka nang may binigay na burger si Mike kay Krist pero hindi n'ya ito kinuha, animo'y  walang napansin kaya inilapag na lang ni Mike sa harapan n'ya ang burger. Doon palang nag-angat ng tingin si Krist saka ngumunguyang tumingin kay Mike saka nanliliit ang mga matang nagpapalitan ang tingin sa burger at kay Mike.

"Where the f*ck are you guys going?" narinig kong tanong na tinig ni Alex sa likuran ko at mukhang malapit na sila sa gawi namin.

Ako lang din siguro ang nakarinig  dahil ganon pa rin silang dalawa ni Ken at Nickie ay nakactingin sila kay Mike at Krist na nagtititigan parin hanggang ngayon. Nag-uusap gamit ang tinginan.

Magsasalita na sana ako para maputol ang pagtititigan nila ngunit may nagsalita na naman at nabaling ang atensyon namin doon.

"Hi guys can we join!?" masiglang ani Ranz na may todong ngiti, nasa harapan namin silang lahat maliban kay Alex na nasa likuran nila at nakita kong nakakunot na ang nuo nito.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now