Chapter 29

1.9K 100 0
                                    

Krist's POV

Naglalakad na ako ng paika-ika sa pupuntahan ko, tutal wala namang tao dito.

'Tss. Bakit inaaksaya lang nila ang oras nila sa akin? Pwede naman nila akong 'wag pansinin?'

Ilang sandali pa lang ang paglalakad ko nang may naramdaman akong may sumusunod sa akin.

Umayos ako sa paglalakad at tiniis ang sakit ng paa ko. Mabagal din akong naglakad para masundan n'ya.

Nang maramdaman kong papalapit na s'ya sa akin ay inihanda ko na ang sarili ko.

May humawak sa kanang braso ko, kasabay ng mabilis kong inagaw ang braso ko. Hinawakan ang ginamit n'yang kamay sa panghawak sa akin, gamit lang ang kanang kamay ko na nakapamulsa lang ang kaliwang kamay.

Buong lakas ko s'yang binalibag, na paikot dahilan para ang katawan n'ya ay bumagsak at ang likod n'ya sa sahig.

Sa pagbagsak n'ya ay saka ko pa lang s'ya nakilala. Si Calix na namimilipit sa sakit ngayon sa kan'yang pagbagsak.

Sinubukan n'y pang tumayo pero kaagad s'yang napabagsak ulit sa pagkakahandusay sa lupa.

Nang subukan n'yang tumayo ulit ay napahawak sya sa likuran n'ya at nangaasim ang mukha sa sakit.

Kita ko pa ang gulat n'yang napatingin sa akin, para bang 'di makapaniwala na nabalibag ko s'ya ng ganon ganon lang gamit ang isang kamay lamang.

Tumukod pa s'ya sa kung saan bago dahan dahan ng nakatayo habang hawak ang likod.

Binulsa ko ulit ang kanang kamay ko at normal lang s'yang pinanood sa pagtayo n'ya.

(-_-)

"Papaano mo nagawa 'yon?" napapangiwi n'yang ani na sinusubukang hilutin ang likod n'ya

Pinagmasdam ko lang s'ya bago napatabingi ang ulo ko para alamin kung saan banda s'ya na sasaktan.

"Tumalikod ka" Diretso lang ang tingin sa mga mata n'ya kong sabi na ipinagtaka n'ya pero sa huli ay tumalikod din s'ya.

Akala ko hindi susunod at sisigawan ako o kaya naman ay sisigawan ako, pero hindi n'ya ginawa iyon.

"a-anong g-gagawin mo?" utal n'yang sabi na kinakabahan.

Hindi ko na s'ya sinagot pa unti unting lumapit sa kan'ya. Kinapa kapa ang likod n'ya sa unang pagkapa ko ay 'di s'ya na saktan sa parteng nahawakan ko at nang mahawakan ko ang ibabang parte ng likod n'ya ay bigla syang napaaray sa sakit, minasahe ko ang parte na 'yon habang sya ay umaaray parin.

"Magiging masakit 'to" sabi ko pa dito sa may likuran n'ya.

"B-bakit a-ano ba ang gagawin m-mo? Ang sakin na nga eh!"

Hindi ko s'ya sinagot, panay ang pag-iwas n'ya sa tuwing matatamaan ko ang parte sa likod n'ya.

Ilang sandali pa ng makahanap ako ng tyempo matapos n'yang kumalma ay pinalagutok ko ang parte na iyon at may tumunog na buto doon.

"AAAHHH! OUCH! ARAY!" tuloy tuloy n'yang pagsigaw habang napahawak sa likod n'ya, namimilipit sa sakit.

Ang sama ng tingin n'ya sa akin nang lingunin ako.

"What the hell did you do to my back?! That's————" bigla s'yang napatigil at pinakiramdaman ang sarili.

Umayos nang tayo na para bang wala na s'yang sakit na nararamdaman sa likod nya bago nagugulat na napatingin sa akin na may pagtataka sa mukha n'ya.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now