Chapter 32

1.8K 95 8
                                    

Alex's POV

We were near to the parking lot with my six idiot friends and then we said goodbye to each other.

I drove my car away. I can't help but think of the Tomboy as she speaks Spanish and helped that f*cking Gabriella even though that woman belonged to Cindy's group. I couldn't help but ask questions in my mind.

A few moments later, nagkahiwalay na kami ng dinadaanan ng mga kaibigan ko papunta sa kani-kanilang bahay.

Habang nagmamaneho ako ay may humarurot na isang motor na may pamilyar na ingay ang pagkakaharurot nito.

Sa may gilid ng sasakyan ko ito dumaan at mabilis ang pagmamaneho inunahan ako.

That motor was familiar to me. Its loud sound is familiar to me, especially the one - handed driver. Isang kamay ang gamit kahit dalawa naman ang kamay na mayroon siya.

'Pshh. Yabang'

I tried to follow the motor for an unknown reason but, it was running very fast and pinaharurot niya pa ito lalo ng napakabilis, which made me drive faster as well. Parang nakikipagkarera at para bang napansin ako nito kaagad.

Sinundan ko ng sinundan ang motor na 'yun. Sa pagsunod ko ay bigla syang lumiko pero hindi ko ito nabigong sundan. Napansin ko sa nilikuan namin ay wala ng mga sasakyan, tanging kami nalang dito na naghahabulan.

Mayamaya pa ay bigla na naman s'yang lumiko sa kabilang daan habang hinahabol ko.

Mapapansin agad sa parteng nilikuan namin, wala na itong madadaanan, sa madaling salita ay masikip ang parteng ito.

Nahinto akong napatingin sa naka motor na ito nang bigla s'yang huminto na swabeng nagmaneho patagilid na huminto sa may gawi ko.

'Cool————I mean... yabang, Pshh'

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakahelmet s'ya ng itim ang kulay.

Sa paghinto naming dalawa ay natigilan ako muli nang ibaling niya ang pagkakalingon sa akin. Akmang bababa ako nang kotse ko nang pabigla n'yang paandarin kaagad ang makina ng motor n'yang mukhang mamahalin.

Napalunok ako nang iniharap niya ang motor niya sa aking gawi.

'Anong gagawin nito? Hindi kaya masamang tao ito?'

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa taong ito kahit alam ko sa sarili kong kaya ko namang dumipensa kung aatakihin ako nito.

Ikinagulat ko pa nang bigla n'yang pinaharurot ang motor n'ya papunta sa gawi ko na isang kamay pa rin ang gamit. Rinig na rinig ang ingay sa bilis ng pagpapatakbo niya.

'Wait, is he/she planning to run over me?! What the f*ck!'

Akmang iaatras ko sana ang kotse ko pero 'di ko magawa! Papalapit na s'ya sa akin dahilan para maisalag ko ang mga braso ko para protektahan ang sarili kung mababasag man ang salamin ng kotse.

Ilang segundo pa ang nakalipas at naka ganon pa rin ang posisyon nang wala akong marinig ng pagkabanga o wala akong maramdamang sakit sa katawan.

Naibaba ko ang mga braso ko at kaagad hinanap ang taong iyon.

Nang mailibot ko ang aking paningin ay nakita ko sa side mirror ko na nasa likuran ko na siya ngayon!

"What the f*ck... Who the f*ck is this?"

'F*cking Sh*t! Pinaharurot niya ba ang motor niya, patalon sa kotse ko?! Bakit wala akong narinig na kalabog sa bubungan ng kotse ko?'

Bumaba ako ng kotse para tignan kung may gasgas ba ang bubong ng kotse ko pero bago pa man ako tuluyang makababa ay kaagad na s'yang humarurot paalis.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now