Chapter 57

1.7K 104 5
                                    

Klyde's POV

Nandito kami ngayon naguumpisa ng maglinis sa buong school at kanya kanya kaming pwesto kung saan kami maglilinis

Uwian na at bilang na lang ang mga estudyanteng nakikita ko, tamad na tamad akong maglinis because for f*cking pete's sake hindi ako naglilinis at lalong lalo na di ako marunong

Manguutos sana ako ng mga nabubully ko na mga lalake para sila ang maglinis kaso wala akong nakikitang napapadaan dito, siguro alam nila na naparusahan kami kaya maaga silang umaalis para di namin sila mautusan

Habang nakapamulsang naglilinis ng bintana ay nakita ko sa di kalayuan si Krist na nakapamulsang naglalakad at diretso lang ang tingin sa kawalan habang nakahead set at kahit paika ika syang naglalakad ay ang astig parin ng dating nya

Napangiti ako ng nakakaloko ng may pumasok na idea sa isip ko

"Psst" tawag ko sa kanya pero di man lang nya ako nilingon kaya humarang ako agad sa dinadaanan nya at doon palang nya ako tinignan ng blanko

Tatanggalin ko sana ang headset nya para marinig nya ako pero agad syang umatras at ayaw nyang ipatanggal yun saka nya ako binigyan ng 'what?' - look

"tulungan mo ako maglinis" sabi ko pa pero tumabingi lang ang ulo nito kaya naisip ko na baka di nya ako narinig ng maayos, uulitin ko sana ang sinabi ko at lalakasan ang boses ko ng bigla nya akong lagpasan at magtuloy tuloy maglakad

"I'll pay you if you help me" pasigaw ko pang sabi para marinig nya pero ang g*go nagtuloy tuloy lang sa paglalakad na parang walang naririnig kaya hinabol ko sya at hinarangan ko na naman sya

Dadaan sana sya sa gilid ko pero hinarangan ko yun at dadaan ulit sya sa kabilang gilid ko ng hinarangan ko ulit sya kaya napabuntong hininga na lang sya na siguro ay nakukulitan na sya sakin

Binigyan nya ulit ako ng nagtatanong na tingin at ngumisi lang ako sa kanya "kakain tayo pagtinulungan mo ko" ani ko pa pero binunggo nya lang ako dahilan para mapaatras ako ng kaonti at nagpatuloy ulit sya sa paglalakad "Hey! Libre ko"

Pagkasabi ko ng salita na yun ay napahinto sya at para bang nanglaki ang tenga nya ng marinig nya ang huling sinabi ko at saka sya lumingon sakin gamit lang ang ulo"Libre? "tanong nya pa na parang naninigurado at natatawa akong tumango sa kanya at saka palang sya humarap ng maayos sakin at tumabingi na naman ang ulo nya

'bat ba ang cute mo tignan kapag ganyan ka kumilos imbes na maweirduhan ako?'

Nagumpisa na syang maglakad patungo sa bintana at nagumpisang linisin yun dahilan para matawa na naman ako ng mahina

'Libre lang pala ang magic word para mapasunod tong weirdo na to'

Sumandal lang ako sa gilid ng bintana habang nakacrossarm na nakatingin sa kanya dahilan para mapahinto sya at blanko na namang tumingin sakin

'Is it possible that she has a crush on me.. kaya sya sumunod at napatawad nya kaming lahat ng ganon ganon lang? Ang galing nya namang magtago ng feelings nya, pa hard to get pa, alam ko na ang mga babaeng katulad nya'

"papaano naging tulong to kung ako lang naman ang gumagawa edi parang ako lang din ang naparusahan" ani nya dahilan para mabalik ako sa wisyo at natagpuan ko ang sarili ko na tulalang nakangiti na nakatingin sa kanya

'so it means na alam nya na pala na di sya pinarusahan? baka sinabi na ni Dean'

"ah of course ililibre kita so kailangan mong magtrabaho" ngumisi pa ako sa kanya pero napabuntong hininga na lang sya at nagpatuloy sa ginagawa dahil mukhang gagawin nya ang lahat para sa pagkain

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon