Chapter 84

1.5K 79 18
                                    

Third Person's POV

Nasa kwarto na silang lahat kung nasaan na unang pumasok sila Dave at Calix na akay ang nanghihinang si Ranz na nakahiga na ngayon sa king size bed

Kwarto pan ang itsura sa loob pero para silang nasa private room ng hospital dahil may mga gamit dito na nakikita sa hospital at kompleto

"So,what the hell are we gonna do now?"

Nakaupo man ay mahihimigan ang pagkataranta sa pananalita ni Klyde at di rin mapakali sa kinauupuan ang iba nyang mga kaibigan si Alex naman ay pabalik balik sa paglalakad sa kakaisip ng paraan kung anong gagawin kay Ranz at nagtataka siya kung bakit di sa hospital dinala si Ranz at bakit pa sumunod kay Krist

Samantalang si Krist ay kalmadong kalmado lang na nagawa pang magbasa ng libro at kampanteng nakaupo sa single sofa na nakapandekwatrong panlalake pa

"Chillax" ani pa ni Krist na ang tingin ay nasa libro

"The hell?! /Fuck?! /What?! /Krist?! /Ya! /Seriously?!" sabay sabay nilang sabi at inis ang mga reaksyon nilang napatingin kay Krist na ngayon palang inangat ang blankong tingin sa kanila

"Are you kidding me? Papaano kami kakalma kung naghihingalo na ang kaibigan namin?!" inis na ani Klyde

"Hoy tomboy di kami tulad mo na kayang huminahon ng ganyan ganyan lang at tsaka bakit ka nga ba maaapektuhan sa lagay ngayon ni Ranz eh sabagay di ka pala namin kilala?! Halos mabaliw na kami sa mga nagyayari tapos ikaw parang wala lang?! Haayss! Masisiraan ako ng bait ng di oras sayo "naiinis na ani Alex

" Bakit ba kase natin dito dinala si Ranz? Siguro may binabalak ka noh? Isa ba to sa mga plano niyo ni LIVE? "ani Herbie

" Ranz! "sigaw ni Dave ng makitang nangingisay na si Ranz samantalang kalmado parin si Krist habang lumapit naman ang mga kaibigan nito sa kaniya

" Siguro kaya mo kami dinala dito para di namin madala si Ranz sa hospital! Para hayaan na lang siyang bawian ng buhay! Napakasama mo! Bakit ba nagpakatanga kami at sumama pa sayo?! At di naiisip na kalaban ka pala!mamamatay tao! " nagagalit na ani Calix at napatingin sila kay Alex na napasabunot sa buhok niya at pinagsusuntok ang pader kaya pilit siyang inaawat nila Mike at Klyde

"Calix!" pagbabawal ni Dave dito sa mga sinabi niya kay Krist

Natigil silang lahat ng pumikit si Krist at huminga ng malalim, nagpapasensya, kalamado na nga mas lalo pang kumalma, pero gulat silang mapatingin dito ng bigla na lang nitong hablutin ang baril niya saka iyon kinasa sabay tutok kay Ranz na nanginginig at nangingitim na ang buong katawan

"What do you think you're doing Krist?!" inis na talagang sabi ni Dave na lakas loob na humarang sa gawi ni Ranz pero nangilabot sila at natakot kahit marami sila at nagiisa lang si Krist ng ngumisi lang ito

"Ipapakita sa inyo kung ano ang tunay na kahulugan ng mamamatay tao" ani Krist na may diin sa salita at unti unting nawala ang pagngisi niya na napalitan ng masamang tingin na mas lalong nagpakabog sa dibdib nila dahil kakaiba na ang dating ni Krist sa mga oras na yun kung tititigan mo ito sa mata

Akma ng magsasalita si Alex ng matigilan sila at mapatingin sa bintana sa may balcony ng may kumatok ng anim na beses kaya naalarma sila at umayos ng tayo silang lahat saka pinrotektahan si Ranz

Ang kaninang nasamang tingin at walang emosyong mukha ay napalitan ng kalmado ulit ng magsnap si Krist sa daliri niya sabay balik ng baril sa may bewang nito na ipinagtaka nila at naging dahilan yun ng automatic na pagbukas ng bintana

Napaatras sila maliban kay Krist na kampante pa ring nakaupo ng pumasok mula sa binta ang isang lalake at automatic ulit na nagsara at naglock ang bintana at kurtina

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now