Chapter 12

2.1K 133 15
                                    

Kris POV

Nagmamadali akong umalis at pumunta sa backstage dahil nakita ko si Alex na kanina pa titig na titig sa akin.

Di ko lang alam kung namumukhaan nya ako sa ayos ko na to, sa palagay ko hindi kase maski si boss at ang mga kabanda ko ay di ako nakilala sa unang tingin pero ang ipinagtataka ko kanina ay kahit hindi ko sya tinatapunan ng tingin, nakatitig sya sakin!

'T*ngina. Baka hindi ako tigilan kapag nalaman niyang nagtatrabaho ako sa bar! Baka siraan niya pa ako sa buong Campus kapag nagkataon'

Nagtataka lang ako na parang di ko yata napansing tumunog ang relo ko ng sa di malamang dahilan ay ganon na lang ang pagkabog sa bilis ng puso ko sa titig na iyon.

'Tss. Bat mo ba sya iniisip? Anong paki ko sa Tukmol na yun kung tignan nga ako?'

"Krizelle wait!" rinig ko ang pagtawag ni Elton

'tss isa pa to kanina ko pa nararamdaman na tingin ng tingin sa akin ganon ba talaga sila naninibago sa itsura ko?'

"Oh?" ani ko na ngayon ay huminto na sa paglalakad ng mabilis at nilalagay na ang gitara sa casing nito. Naupo muna ako saglit dahil naguumpisa na namang kumirot ang katawan ko sa paggalaw ko kanina.

"Aalis ka na ba? Hatid na kita" natigil pa ako sa ginagawa sabay kunot ng nuo sa kaniya.

'Pinagsasabi mo pre?'

"Kaya ko umuwi magisa" sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko dito sa backstage

"pero gabi na, baka kung———" di nya natapos ang kanyang sinasabi dahil lumapit ako sa kanya, hinawakan ang noo at leeg nya gamit ang kaliwa kong kamay na may gloves

Bigla akong napatigil sa pagkapa sa kanya dahil nakatitig sya sa akin, maya maya lang ay biglang namula ang kanyang mukha at napaiwas ng tingin

'Mukhang wala naman syang sakit, bakit parang ang wirdo niya ngayon? Bago to ah, kinakausap at inaaya na ako'

Tinignan ko lang syang mabuti at sya naman ay di makatingin ng diretso sa akin

"a-ahh Krizelle anong ginagawa mo?" pautal utal nyang sabi habang nasa kawalan ang tingin.

"Naninigurado lang" mahaba kong sabi habang nakatingin parin sa kanya, mukha syang nagtataka sa pinagsasabi ko

"Nakasinghot ka ba ng zonrox o nasobrahan ka lang sa coke?" napatabingi ang ulo ko habang tinatanong sya

Umawang ang labi niya sa pagkalito sa sinasabi ko "Ha?" nagtataka niyang tanong

"Wala sabi ko, kaya kong umuwi mag-isa" pag iiba ko na lang bago kinuha ang gitara kong may case na

"ah g-ganon ba? Sige mauna na lang ako" utal nya pa ring sabi at mabilis na tumalikod sa akin saka naglakad paalis na napapakamot ng ulo

'Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Alam kong wirdo ako at naiiba sa ibang tao pero, bat ganon din sila? Tss. gaya gaya'

Alam naman nilang palagi akong umuuwi ng walang kasama, isa pa di rin ako nakikihalubilo masyado sa mga tao dito kaya rin siguro umalis na sya at di na nagpumilit pa.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now