Third Person's POV ContinuationNaka all black ang suot nito habang nakapamulsang nakayuko, naka suot ng hood, naka black cap at black mask, ang hood nya ay may design na nakalagay na puting butterfly at may itim sa pakpak nito
Dahan dahang inangat ang ulo ng tao na iyon sa kanila ngunit di nila masyadong makita ang mata nito dahil bahagya parin itong nakayuko sa kanila
Nang humakbang ito palabas ay sabay sabay silang napaatras sa takot nila, pero naisip nila na marami naman sila at nagiisa lang ito, lalo pa't ng tignan nila ito mula ulo hanggang paa ay sa hubog ng katawan nito ay mukhang babae ito ngunit nakatago ang buhok nya sa hood na suot nito, at mas matangkad sila dito
Pero naisip ni Alex na kahit nagiisa at babae ito ay di dapat sila pakampante lalo na at kakaiba ang lugar na ito, malay nilang may iba pa itong kasama na nagtatago lang din sa pader at mukhang delekado din ang taong yun kahit sa palagay nila ay babae ito
Nagkatinginan ang magkaibigan dahil mukhang namumukhaan nila ito
"W-who are you?" kinakabahang ani Herbie dito pero tinignan lang sya nito at bigla silang nagulat ng may biglang may hologram na mga letter ang bumunga sa kanila sa uluhan ng babae at nakasulat na
Don't be scared
"S-sino ka? Robot ka ba?" kinakabahan ding sabi ni Ranz na itinuro pa ito pero iling lang ang sagot nito
"Hey parang namumukaan kita ah?" ani Klyde at tinignan lang sya nito na parang inaantay ang sasabihin pero di parin nila makita ng maayos ang mata nito at tanging pilikmata lang ang nakikita nila
Yes, I'am
Ani ng babae gamit ang mga hologram na letra sa may ulohan nito, at nagulat naman silang lahat dahil wala pa mang sinasabi si Klyde ay parang nababasa nya ang nasaisp nila
" Ibig sabihin ikaw yung babae sa billiard? Yung may binato ka na dart doon sa lalakeng pinosasan ng mga guard doon?" paninigurado pa ni Herbie pero di sya sinagot nito at humakbang lang ito kaya napaatras ang ilan sa kanila maliban kela Alex, Mike at Dave
Nagpatuloy lang sa paglalakad ang babae at naupo sa dulong upuan, saka nila napansin na may nakasulat sa likurang bahagi na suot nyang hoodie na may tatak na 'Pieris'
Sit down
Nagdadalawang isip pa silang sumunod at nagkatinginan pa "Ikaw ba ang naglagay ng death threat sa kwarto ni Ranz?" ani Alex at di pa sila umuupo
I'm not a bad guy para magbigay ako ng ganon
Tugon nito ng di nagsasalita at gamit lang ang hologram na doon sya nakikipagkomunikasyon at may puting pabilog na bagay na nakadikit sa magkabilang sentido nito
Nagkatinginan ang magkakaibigan at saka nagkanya kanyang naupuo
Give it to me
Ani ng babae na inilahad pa ang kamay nya na may suot na black gloves na nakatingin kay Ranz at doon palang nila nakita ang mata nito pero di nila mawari kung color brown ba ito o green na may gold, kaya naisip nila na baka hazel ang kulay nun
Nakatulala lang silang lahat na nakatingin sa babae sa mata nito na para bang na hi-hypnotised sila nun kaya yumuko ng agad ang babae at sumenyas na ibigay iyon
"Ang alin?" naguguluhang ani Ranz
Death Threat
Nagtataka man ay nilabas na iyon ni Ranz at akmang iaabot na nya ng kunin iyon bigla ni Mike at mabilis iyong tinignan kaya tumayo na silang magkakaibigan para tignan din iyon maliban kela Ranz, Mike at ang babae
![](https://img.wattpad.com/cover/220675395-288-k410642.jpg)
YOU ARE READING
I Just Want to be Happy [Completed]
Teen Fiction[Part 1] "Magkaiba man tayo ng pagkatao, handa naman kitang mahalin kung ano o sino ka ng buong puso" Isang babae na kung umasta ay daig pa ang lalaking cold, tahimik, matalino, pilosopo at higit sa lahat gwapo-este... maganda, siguro. Kristine J...