Chapter 74

1.6K 102 14
                                    

Alex's POV

Nagbihis muna ako at nasa may locker naman sila Mike at Dave, mayamaya pa ay tinawag na kami ni Coach dahil magi-start na daw ang game

Habang naglalakad kami ng mga kateam namin ay natatanaw namin si Krist na nakasuot parin ng pang volleyball nya dahilan para makita ko sa malapitan ang.... Legs niya

'Oh f*ck! ba Alex! Ano bang nangyayari sayo? Kailan ka pa naging manyak?'

Nakasunod lang sya kay president at naghiwalay, bago umalis ang president ay may inabot ito na mukhang susuotin niya sa Tennis na sport

Uuyyyyyy - nagingay ang iba naming ka team ng malapit na kami sa gawi ni Krist pero di man lang kami tinapunan ng tingin nito

Bro ayan na yung crush mo

Sshh shut up bro baka mayari tayo ng tatlong yan mukhang may gusto din sila kay Krist ehh

Rinig naming bulungan ng mga kateam namin kaya sabay kaming tatlo ni Mike at Dave na napatingin sa mga to dahilan para manahimik sila, kase naman magbubulungan na lang nga eh yung naririnig pa

Nilagpasan lang kami ni Krist na animo'y sya lang ang tao dito dahil di man lang nagabalang tumingin samin

'Psshh porke sinasabi mong masamang tao ka ay akala mo iiwas na ako sayo? Wag ako ibahin mo ako dahil naniniwala akong di ka ganong uri ng tao, pulubi nga nagawa mong tulungan wala naman sigurong masamang taong kaya pang tumulong sa kapwa at bigyan ng limpak limpak na pera?'

Nasa basketball Court na kami ngayon at natatanaw namin ang kalaban namin, naagaw namin ang lahat ng atensyon ng mga taong nandidito at halos mahimatayin ang ibang mga babae sa sobrang kilig na kulang na lang ay mapaihi at nakakasakit sa tenga ang mga tilian nila na parang nakalunok ng pito na para bang dinaig pa si Mariah Carey at Arianna Grande

Nakangisi ngayon ang mga kalaban namin sa school na IAS na kilala sa mga magagaling pagdating sa sports

'wala pa ring pinagbago mayayabang parin'

"A-ahm Alex here oh for you" ani ng isang babae na may dalang mineral water at foods o ano pangregalo na bitbit niya at may kasama siyang dalawang babaeng mukhang palakang binudburan ng harina

'prinitong palaka lang ang dating ng mga to, naku di uubra sakin to ang alam lang ang magpabebe at pakitang tao pero kapag nakatalikod ay masasama pala ang ugali'

Narinig ko ang pangaasar ng mga kateam ko at ang babae ay namumula na sa hiya at kinikilig naman ang mga kasama niya" gurl sabi ko sayo type ako ni Alex eh "ani ng babae at nakaramdam ako ng inis sa kayabangan at kalandian niya

Nagcrossarm lang ako at salubong ang kilay na tinignan siya ng diretso dahilan para mapahiya sya at napayuko na lang na nakaabot parin ang bitbit niya pero tinignan ko lang yun at di tinanggap

"Ahm excuse me, nagkakamali ka ata ng teretoryong pinapasukan mo?" sarcastic na ani Stephanie na plastic na ngumiti sa babae at tinaasan naman siya ng kilay ng babae na mukhang di ito papatalo

"Ha. Ha. Ha. Territory? Excuuusssee me di mo sya pagaari dahil malandi ka at ikaw mismo ang nangiwan sa kanya" inabot muna ng babae sa mga kasama niya ang bitbit niya bago nagcrossarm at sobrang taas ng kilay na akala mo aabot sa buhok niya sa ulo, bago niya sinabi yun na may pagkasarkastiko din

"Ha, Exccuussee me eh bakit ikaw?! Kung ako malandi eh anong tawag sayo higad? Siguro kating kati ka na at sunod ng sunod sa babe ko noh?!" inis na sabi niya sa babae na umiikot ikot pa ang leeg kasabay ng kamay niyang nakataas ang isang daliri na nakacrossarm, tumawa naman ang tatlong babae ng sarkastiko din

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now