Chapter 108

1.3K 73 18
                                    

Alex's POV

Marahas akong napabuga ng hininga dahil sa inis na di ko kaya kung paano gagawin tong tent na to, napatingin ako sa mga kaibigan ko at kita kong nahihirapan din sila na padabog ng nagaayos kung paano gawin ang tent

'Seriously? Bakit kailangan pang magtent kung may malapit naman na hotel dito? Ano ba kaseng pauso ng prof namin at pinadala dala pa kami ng tent kung may hotel naman at afford namin yun, that f*cking man is getting into my nerves '

"Wow, tapos ka na?" napatingin ako kay Ranz ng sabihin niya yun ng may paghanga, nakaupo na lang sya sa may damuhan na nakapangalumbaba na mukhang sumuko na sa kakaayos ng tent niya na naglalaro na lang ng stick na kahoy

Otomatiko kaming napatingin sa kinakausap niya at napanganga na lang ng makitang tapos na si tomboy sa tent nya na maayos pa ang pagkakagawa

"How the hell did you do that?" ani Klyde

"Ah..... step by step lang" nangangapa pa sya ng sasabihin niya na para bang di nya rin alam kung paano I-explain

"And where the heck did you learn that?" ani Ranz

"Sa libro" tulad ng inaasahan ay yun na naman ang isasagot niya kung saan niya natutunan ang isang bagay

"What? Pati yun nababasa mo sa libro?" ani Calix

"I guess?" pagtugon ni tomboy na parang di pa sya sigurado

Magsasalita pa sana ako ng mapatingin kami sa lumapit kay tomboy at kinalabit sya nito dahilan para magsalubong ang kilay ko

"Uy teh pwede pa tulong?" nahihiya pang sabi ni Gabriella

'Ang kapal naman ng mukha ng babaeng to, pagkatapos ng mga nangyari nagiging feeling close ulit sila ni tomboy? Wala na talaga syang hiya ilang beses niya ng sinaktan at trinaydor si tomboy tapos ngayon nagawa niya pang lumapit para manghingi ng tulong? What the f*ck?'

"Anong ginagawa mo dito?" ani Calix kay Gabriella dahilan para di sila makatingin samin dahil ang sama sama na ng tingin namin sa kanya

Natigil lang kami ng humarang si tomboy sa harapan ni Gabriella para di namin makita si Gabriella "Let's go" nagulat na lang kami ng pumayag sya saka sinenyasang mauna si Gabriella pero napasulyap pa ito samin na huminto ang tingin kay Herbie bago umiwas ng tingin

"Ahm... What the hell?" nakangiwing ani Klyde

Sinundan lang namin sila ng tingin hanggang sa mapunta sila sa pwesto nila Nickie na tinutulungan ni Ken sa pagtatayo ng tent kahit di pa nakatayo ang kanya

"Uyy Beshie!" kahit dito ay rinig na rinig ang boses ni Nickie ng makita si tomboy saka napatingin sa gawi namin na napatingin sa tent ni tomboy na maayos na

"Wow ang galing tapos ka na agad eh kararating nyo lang pero kami kanina pa kami dito bumabaligtad baligtad kung paano to gawin" kunot nuo sabay kamot sa ulo na ani Nickie ng mapasulyap sa tent nila at makikita na namamangha din sya

Tinanguan lang sya ni tomboy saka kinuha ang mga gamit na para sa tent ni Gabriella at nagsimulang gawin yun, tulala lang kami sa kanya kung gaano sya kabilis ipatayo yun na para bang mani lang sa kanya

Sa isang iglap ay napanganga na naman ng tapos na iyon agad, ganon din silang tatlo, lumapit si tomboy sa tent ni Nickie at kusa na iyong pinatayo ng di pa man nanghihingi ng tulong si Nickie, natapos na sya agad saka lumapit sa tent ni Ken na napakamot na lang sa batok ng sa kanya naman ang ipatayo nito

"Ahm.... Thanks" nahihiya pa nitong sabi na para bang di sila ganon ka close ni tomboy samantalang silang apat nila Nickie at Dave ang magkasama noon na siguro ay kay Nickie lang sya na close lalo pa at napakatahimik ni tomboy

I Just Want to be Happy [Completed] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin