Chapter 98

1.3K 67 6
                                    

Krist's POV

"Good morning Ms. Corpuz" nakangiting bati sakin ng nurse na babae ng magising ako sa liwanag ng araw na tumatagos sa bintana

Inalalayan akong makaupo nito bago nagsusulat sulat sa chart na hawak niya at napapatingin sa monitor sa gilid ko na chinecheck ang vital signs ko

"How are you feeling?" nakangiting pagtatanong niya sakin

"Fine" ani ko

"That's better" napatango natango niyang sabi saka pinagpatuloy ang ginagawa niya

Mayamaya pa ay may kumatok sa pintuan at may pumasok na panibagong nurse pero lalake na, na may dala dalang tray na sa tingin ko ay pagkain ko yun

Inilapit nya ang table sakin bago inilapag doon ang tray saka nya ako nginitian na para bang sinesenyasang kumain na

'Talaga bang pala ngiti ang mga tao dito?'

Pilit akong ngumiti sa kanila dahil nakakahiya naman kung iisipin nilang ganon ako kasungit na para naman akong natatae sa itsura ko na yun dahil di ko kayang ngumiti ng walang dahilan

"Is there a problem Ms. Corpuz?" nagtatakang ani ng lalakeng nurse sakin dahil siguro sa pilit ko ngiti kaya binalik ko sa blanko ang mukha ko at umiling lang ako saka magumpisang kumain at ngumiti na naman sila sakin kaya umiwas na lang ako ng tingin

"Pwede na ba akong ma discharged?" pagtatanong ko sa nurse na tinignan ako saka ngumiti na naman

"I'm sorry ma'am pero hindi pa pwede, malakas naman ang resistensya mo kaya maayos na ang pakiramdam mo pero may mga pasa at pilay ka pa sa katawan na di pa gumagaling dahil kahapon ka palang dinala dito" mahinahong pagpapaliwanag ng babaeng nurse sakin

"But.... " tinatamad na akong magpaliwanag sa kanila kaya bumuntong hininga na lang ako at tinapos ang kinakain

'Siguradong marami rami na akong na miss na mga lessons nyan, kailangan kong makalabas dito'

Nagpaalam na ang babaeng nurse na umalis dahil may iba pa syang pasyenteng aasikasuhin, niligpit na ng lalakeng nurse ang pinagkainan ko ng matapos akong kumain bago nagpaalam na umalis

Ng masiguro kong wala na sila ay saka ako napatingin sa bag ko na nakalagay sa sofa, bumaba ako sa higaan bago kinuha ang stainless steel infusion rack ng dextrose ko at doon ako humahawak habang naglalakad ng paika ika

Naupo ako sa sofa saka kinuha ang bag at hinanap doon ang phone ko saka may dinail doon at mabuti na lang may load pa ako ngayon

"pwede mo ba akong ilabas dito?" pagsagot ko sa kabilang linya ng sinagot niya ang tawag ko

"Williams' hospital" tugon ko pa bago binaba ang linya

Ibinalik ko na ang phone ko sa bag bago ulit humahawak sa infusion rack at ginawang tungkod pabalik sa higaan saka nahiga

Nagantay lang ako sa kanya at wala pang limang minuto ng makarinig ako ng katok sa pintuan saka ko sya  pinapasok, bumungad sa akin ang seryoso nyang pagmumukha tuloy ay nakikita ko sa kanya si tukmol lalo na sa berde niyang mga mata

Bumuntong hininga sya bago naupo sa gilid ng kama ko at seryoso akong tinignan "Sigurado ka bang maayos ka na?" nagaalala nyang sabi, kalmado man ay may diin sa mga salita niya na parang naiinis dahil nakikita na naman niya akong nasasaktan

'Tss pareho talaga sila ni tukmol'

"I'm fine" ani ko at matunong syang napabuntong hininga

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now