Chapter 43

1.9K 103 17
                                    

Warning!

This chapter contains violence and language! Please read at your own risk. English na 'yan para ma-iba naman.

Mike's POV

Maaga akong pumasok dahil may practice kami ngayon sa basketball. Tuwing Monday at Friday naman sa karate sa martial arts club namin.

Mag-isa lang akong naglalakad dito sa parking lot na kung saan ko palagi pinaparada ang kotse naming magbabarkada. Napansin ko rin na medyo madilim pa at papasikat pa lang ang araw. Kaunti pa lang siguro ang estudyanteng nakapasok.

Nakakailang hakbang pa lang ako at malayo pa ako sa entrance ng school ay may biglang may humarang sa harap ko at nakilala ko agad kung sino sila.

Ang isang groupo ng gang na naghahamon na makipaglaban sa akin para subukan nila ang kakayahan ko.

I smirked at them. Ang tanga nila kung isiping isang Mike Sin'ichi Nakamura ang hinahamon nila. Bukod sa leader na ako ngayon ng gang ay isa rin akong black belter sa karate at 'yun ang 'di nila alam kaya ang lakas ng loob ng mga 'to maghamon.

'Let's see'

"Bakit di ka pumunta sa usapan?! Naduduwag ka na siguro no? Papaano ka pa naging leader ng isang gang kung mukha ka namang bakla?!" mayabang na sabi ng nangungunang lalaki, sa tingin ko ay kanang kamay s'ya sa mismong ng leader nila. Sabay-sabay silang nagtawanan.

'ako pa talaga ang nababakla? Nasan na ngayon ang leader nila? Sino sa amin ang mukhang bakla?!'

Sarkastiko akong napangisi na ikinahinto nila. Mukhang kaya ko naman silang talunin at nasa mga sampung tao lang sila ngayon, pero ang ikinababahala ko ay 'di ko sila matatalo kung may dala silang patalim o baka may iba pang nagtatago dito para umataki sa akin ng palihim. Ganoon ka traydor kumilos ang ibang gang na nakabubunggo namin.

Kalmado ko lang silang pinanood, hindi nagsalita at nagpamulsa lang ng mga kamay.

Maya-maya pa ay may binigay tigiisa ang isang lalaki sa mga kasama n'ya na makakapal na kahoy at ilan sa mga ito ay naglabasan ng mga matatalim na mga kutsilyo na ikinakaba ko, hindi ko pinahalata na nakaramdam ako ng kaunting kaba, dahil wala akong kahit isang panangga o panlaban sa kanila maliban sa suntok at sipa ko.

Wala silang sinayang na oras matapos ang samaan ng tingin ay kaagad silang pumwesto.

"Simulan na natin!" sa isang pagsenyas unang lalaki na nagsalita kanina, lumapit sa akin ang mga kasama n'ya.

Pinapalo-palo pa nila sa palad nila ang mga makakapal na kahoy na bitbit habang ako ay ganon parin dito sa kinatatayuan. Nagiisip kung papaano ko poprotektahan ang sarili at kung papaano ko sila lalabanan ng walang ibang panangga.

Ikinatinag ko bigla nang sunod-sunod silang nagsigawan sa magkakasunod ring pag-ataki. Akmang ihahampas ng panibagong lalaki ang kahoy na hawak n'ya nang mabilis at kaagad kong isinalag ang kamay ko, nanginginig pa dahil sa pwersa. Inagaw ko iyon saka ginamit iyon upang siya ang tuluyang mahampas ng mabilis sa likuran, napasigaw ito lalo sa sakit nang kaagad ko s'yang sinipa at natumba.

Pasugod na sa akin ang iba pang kasama mga g*go pero agad kong pinagpapalo at pinagtatadyak sila ang kung sino mang makakalapit na.

Kaagad din silang napatumba. "F*ck! Itai!" (Ouch!)

Bigla akong nagulat nang may biglang humapas sa likod ko ng sobrang lakas dahilan para mabilis akong mapaluhod sa harap nila, sinundan pa kase iyon ng sunod-sunod na hampas at napakalakas kaya hindi ako nakadipensa agad.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now