Chapter 56

1.7K 106 28
                                    

Alex's POV

"Oh who are they?" ani Steph na nakakapit parin sa braso ko at mukhang hindi totoo ang pagngiti nya at tumingin sya kela tomboy na parang gusto nya na itong paalisin.

'Ano na naman to Stephanie? You already changed'

Napabuntong hininga nalang ako sa ginagawa nya ngayon.

" A-Ahm hi my name is Nickie Mae Montenegro" kabado nitong sabi at inilahad ang kamay dito, pero hindi abot kamay ang pakikipagshake hands ni Steph dahil parang kuko lang ata ang pagkashake hands nya sabay din ito irap.

"Siguro you know my name already na c'oz you know I'm famous here" natatawa kunwaring ani Steph at nilabas ang sanitizer nya, harap harapang naglagay sa kamay nya.

Nakita ko na nakacrossarm arm si tomboy dahil sa ginawa ni Steph pero wala parin syang emosyon "H-hi my name is Gabriella Alice Gonzales" ani nito at naglahad din ng kamay nya.

Nakita ko pang umirap ulit si Steph at bumuntong hininga na para bang wala na syang pasyensya, nakipagshakehands sya katulad ng pagshake hands nya kay Nickie at nagsanitizer ulit

Nang mapansin ni Steph na walang balak makipagkilala si Tomboy ay inunahan nya na ito pero halata paring nakikipag plastikan parin " Hi you know me right? So may I know your know name?" tanong nya pero tumabingi lang ang ulo nito na nakacrossarm parin

Mukhang napapahiya na si Steph sa ginagawa nya dahil nakatingin lang ito sa kanya, at pilit namang natawa si Steph bago nagsalita.

" If you don't know me let me introduce myself, my name is Stephanie Joy Writes I'm his girlfriend-----" ani pa nito at mas lalo pa syang kumapit sakin sabay lahad ng kamay nya kay Tomboy.

"Ex"

Pagpuputol ni Tomboy kay Steph, hinddi namin 'yun inaasahan at nakita ko naman na natigilan si Steph, nakita ko na tinignan lang ni tomboy ang nakalahad na kamay ni Steph sabay pamulsa senyales na ayaw nya makipagshake hands.

Pilit na namang tumawa si Steph at ang kamay nyang nakalahad ay pinanghagod nya na lang ng buhok nya "ang aga aga nagjo-joke ka haha" ani pa nya

"Di ako marunong nun" wala pa ring emosyon nyang sabi at parang natitense na kami sa sagutan nila kaya pasimple kong niluwagan ang necktie ko.

"Baka ikaw ang nagbibiro, mukha ka kaseng payaso" nanlaki ang mga mata ko sa pang-iinsulto bigla ni Tomboy ng diretsahan kay Steph dahilan para halos lahat kami ay nanigas sa kinatatayuan.

Sa mukha ni Tomboy ay parang hindi niya nagustuhan ang ginawang kaartihan ni Steph sa harap mismo nila Gabriella at Nickie matapos makipagkamay.

"What!? Excuse me?" mukhang napikon agad si Steph.

"Dadaan ka?" pamimilosopo naman agad ni Tomboy, napalunok na ako.

"What's wrong with you!?" mahihimigan ang pagkainis ni Steph.

"Same question" pambabalik ni Tomboy bago unti-unting umangat ang gilid ng labing nagbaba ang tingin sa mga braso ni Steph na nakapalupot sa akin. Kinabahan ako sa tingin niya.

"sibat na kami" dagdag pa nito at saka sinenyasan ang mga kaibigan nya na tara na.

Imbes na mainis ako dahil napahiya nya si Steph ay salungat ang nararamdaman ko dahil natatawa pa ako sa ginawa nya.

Marahas na bumuga ng hininga si Steph"I don't like her"ani nya na napapadyak pa sa inis at nagbulong bulungan na naman ang mga taong kanina pa kami pinapanood.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now