Chapter 103

1.3K 77 4
                                    

Alex's POV

"Ang astig ni Krist kanina noh?" ani Ranz na di parin makamove on sa nangyari kanina

"Yeah.. Hot" pagsangayon pa ni Klyde

"That's why i like her" napa ngiti pang ani Ranz

"Psh/Tsh/Eh?" kanya kanya kaming react habang si Dave ay nangunot ang nuo at si Klyde ay napangisi lang

"Di parin ako makapaniwala na naperfect ni Krist ang exam may tao palang ganon ka talino?" di makapaniwalang ani Dave na kanina pa malalim ang iniisip

"Oo nga naiisip ko tuloy na baka nandaya nga sya——Ouch!" di na natapos ang sasabihin ni Ranz ng sabay syang hampasin sa braso ni Calix at binatukan ni Dave

"Di sya nandaya at alam kong di niya yun magagawa dahil matalino talaga sya halata naman siguro kung paano sya magsalita at pagsabihan sila Stephanie at Gabriella kanina" nakakunot nuo ani Dave

"She's genius and the same time she has a golden heart" pagkumento ko pa

"Tama ka, kahit nasasaktan na sya iba parin ang inaalala niya" pagsangayon pa ni Dave at natigilan ako ng pinansin niya na ako

"Uyy bati na sila oh——Aray naman masyaket kaya nakakadalawa ka na ah!" pangaasar pang ani Ranz pero binatukan na naman sya ni Dave dahilan para mapangisi ako

"Ano bang meron bat di kayo nagpapansinan?" pagtatanong pa ni Mike

'Psshh di ko rin alam bigla bigla na lang di namamansin at umiiwas sakin yan'

Walang sumagot samin at nagpatuloy na lang sa paglalakad, naglalakad kami ngayon sa may hallway dahil break na ay papunta kami ngayon sa Canteen "Dudes!" rinig kong pagtawag ni Herbie na sumalubong samin at nagfist bump kami

Habang naglalakad kami ay di parin maalis sa isip ko ang huling sinabi ni Tomboy

'Anong mawawala? Anong matutupad ang hiling? Mawawala sa mundong to? Anong ibig nyang sabihin sa mga yun?'

"Where's Ken?" pagtatanong ni Klyde

"Ayun sumama kay Nickie sabay daw sila kakain" pagtugon ni Herbie

"Nanliligaw ba yun?" pagtatanong ni Calix at nagkibit balikat pang si Herbie

"Mukhang mauunahan pa tayong magkajowa ng mokong na yun, akalain mo si Bayani number 2 nainlove na at nanliligaw pa" ani pa ni Ranz at natawa naman kami

"Mauunahan talaga tayo marami ba namang karibal paano makakapili" ani ko ng may pagkasarkastiko dahilan para magkanya kanya silang react

"Oh bat parang malungkot ka dude?" pagtatanong ni Calix kay Herbie na sumasabay na saming maglakad at naririnig parin namin ang mga tilian na nakakabingi

"nakita niyo na ba ang ranking? Ang galing ni Krist ang hirap kaya ng mga questions sa exam paano niya na perfect yun?, di naman sa nalulungkot dahil nahigitan ako ni Krist pero baka kase magalit ang Papa ko" matamlay na ani Herbie at napaisip kami na minsan na syang napagbuhatan ng kamay ng Papa niya dahil lang sa nalamang nagdi-ditch sya ng klase, nambubully din sya at nagkaroon lang sya ng isang line of 8 sa card

"Nahiya naman kami na nasa gitna at kulang na lang ay nasa hulihang rank noon" ani Calix

"Oo nga at least nasali parin sa rank kaya ayos lang yan dude kung magalit man papa mo, maintindihan ka rin nun kapag narealize niya na matalino ka at ginawa mo lang ang best mo" ani pa ni Ranz

I Just Want to be Happy [Completed] Kde žijí příběhy. Začni objevovat