Chapter 106

1.3K 72 2
                                    

Krist's POV

9:34 pm na ng makauwi ako sa bahay at kampanti na ako na di niya ako sasaktan dahil late na akong nakauwi, pinadalhan ko na rin sya ng pagkain niya na sa delivery dahil alam kong matatagalan na ako sa paguwi magmula ng marinig ko ang panghihingi ng tulong ni Gab kahit may nakapasak sa bibig niya

Oo narinig ko at di ko talaga nakita sila at ang limang lalakeng may masamang balak sa kanila ganon kalakas ang pandinig at kutob ko kahit malayo ako sa kanila ay ramdam ko na may nangyayaring di maganda.

Nagsinungaling ako na nakita ko sila na kinaladkad si Gab dahil alam kong di sila maniniwala na nakakarinig ako kahit ganoon kalayo at mas di sila maniniwala kung sasabihin kong ramdam ko lang yun dahil baka ako pa ang pagisipan nilang masama.

Mabuti na lang talaga na di nila nahalata na kung bakit ako natagalan kung nakita ko na sila at sinundan na hinanap ko pa sila, di siguro nila naisip na bakit pa ako maghahanap kung nakita at nasundan ko na sila, baka siguro ay di makaisip ng maayos ang mga pulis sa presensya ko

Nagulat na lang ako ng pagkabukas ko sa pintuan ng marahan ay nakita kong nakaupo ang stepfather ko na nakaupo sa single sofa na paharap sa pintuan palabas kung nasan ako, nakasandal sya na nakatagilid ang ulo at nakapikit ang mga mata na mukhang natutulog

Maingat kong sinara ang pintuan ng di lumilikha ng inggay saka inilibot ang paningin at nagtataka ako kung bakit di katulad ng dati na nadadatnan ko syang nakabukas ang TV, makalat sa lamesa dito sa sala at maraming mga butilya ng nga alak na na aabutan ko syang palaging lasing pero kabaligtaran ang nakikita ko ngayon dahil tulad ng kung paano ko iwan ang bahay ng malinis ay malinis parin hanggang ngayon, tinext ko rin kase sya na dinahilang overtime ako sa work ngayong araw para di na sya magtaka kung bakit ako nagpadeliver ng pagkain

'Di ba sya lasing?Anong ginagawa niya dito? Bat dito sya natulog? '

Binaba ko muna ang bag ko sa mahabang sofa at naglakad papalapit sa kanya ng walang ingay, bahagya akong yumuko at akma kong i-checheck ang temperature nya baka kase nilalagnat na naman, napapansin ko na madalas na syang nilalagnat, nangayayat din sya at minsan naman ay maputla kaya dinadamihan ko ang pagluto ng mga masusustansyang mga pagkain baka kulang sya sa nutrition

Natigil ako ng imulat niya ang mga mata niya kaya otomatiko akong napaayos ng tayo at sya naman ang natigilan na tinignan pa ako saglit bago unti unting naging seryoso ang mukha niya "Bat ngayon ka lang anong oras na?" salubong ang kilay niyang pagtatanong dahilan para kabahan ako, natanggal ko na ang relo ko kanina

"Marami kaseng costumer sa pinagtatrabahuan ko kaya nagovertime kami tsaka 9:39 pm na rin" pagdadahilan na sagot ko pa sa kanya na unti unting lumayo

Inaasahan ko ng di niya na ako sinasaktan pero di ko parin maiwasang magulat lalo na ng bumuntong hininga lang sya at wala ng sinabi bago tumayo na pansin kong nahihirapan syang tumayo at nagdalawang isip pa akong alalayan sya

Sa huli ay dali dali akong lumapit at hinawakan sya sa isang braso na sya naman ang nagulat na napatingin sakin, ng makatayo na sya ng maayos ay pabigla niyang inalis ang kamay ko  at hinanda ko na ang sarili kong itulak niya ako o kahit ano pang pananakit pero tulad nitong nakalipas na araw ay di niya nga ako sinaktan kaya napaangat ako ng tingin sa kanya at nakitang napaiwas sya ng tingin bago naglakad papasok sa kwarto niya
.
.
.
.
.

Habang naglalakad ng nakapamulsa sa hallway ay tulad ng nakasanayan ay nakapaligid na naman ang mga bully, mga mapanghusga ng di alam ang buong istorya sa kung ano mang pinaguusapan nila, nilalait ako sa paraan ng pag tingin nila pero di ko sila pinapansin at nanatiling blanko ang expression ng mukha ko

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now