Chapter 79

1.5K 98 7
                                    

Third Person's POV

Swimming Contest na at nagbibihis na si Klyde ngayon, sa sports na to ay walang female version

Malawak ang swimming pool pero di magkasya lahat ng students kaya ilan na lang ang mga manonood at ang iba ay naisipang kumain na lang muna

Nasa isang tabi ang group nila Alex kasama sila Nickie at Gabriella, ng pumasok na ang mga contestant kasama na doon si Klyde na naka swimwear na short at walang damit pangitaas dahilan para maghiyawan ang mga babae at magtilian dahil sa mga pandesal niya, at dahil likas na playboy ay naka killer smile siya sa mga babae na parang commercial sa colgate sabay kindat dahilan para may ilan ang himatayin

Gooo KKLLYYDDEEE!!!

BAABBYYY KKLLYYDDEEE FOR WWIINNN!!

Wwahh Klyde!!!

Pangchi-cheer ng mga fans ni Klyde, pumwesto na sila sa gilid ng pool saka sinuot ang swim goggles at nagbend sabay hawak sa kung saan sila nakapwesto

Grabee pati pagsuot ng Google ang gwapo parin ni Klyde!! Wahh

Gaga anong Google? Goggle 'yun! G. O. G. G. L. E, Goggle!

Oo na! ikaw na kase matalino!

Rinig ng iba ang usapan ng mga Fans na yun dahilan para magtawanan ang nakarinig sa kanila

Ready!

Pprriiitttt!!!!

Ng pumito na ay sabay sabay silang tumalon sa tubig, ang ilan ay nahuli pa sa pagtalon

Freestyle/Front crawl stoke ang uri ng paglangoy nila, todo cheer ang kaniya kaniya nila ka school mate lalo na ang mga babae

Sa grupo nila Alex ay si Herbie, Ranz, Nickie at Gabriella ang todo maka cheer kay Klyde habang palakpak at ngiti ang kanila Alex, Mike, Calix, Ken at lalo na si Dave na litaw ang dimple, dahil sa pagngiti nila ay ang mga Fans nila ay di magkamayaw sa pagtili

Hindi na sila nagulat at namangha masyado sa kaibigan dahil alam naman nila sa huli ay si Klyde parin ang pinakamagaling at pinakamabilis lumangoy

Nangmakaahon si Klyde ay ang mga Fans niya ay halos magtulakan na sa kaaabot ng towel sa kaniya pero nagtaka at nanibago ang lahat ng Fans niya ng wala siyang kinuha o pumili man lang ng kahit saang towel na bitbit ng mga babae dahil kinindatan at nginitian niya lang ito saka nilampasan, gayon pama'y nagtitilian parin sa kilig ang mga babae sa ginawang pagngiti at pagkindat sa kanila

"Wow Klyde maya diay nimo mulangoy doy uy! " (Wow Klyde ang galing mo pala lumangoy doy ang doy o dong ay tawag sa lalaki sa bisaya) humahangang ani Nickie at napapalakpak pa habang nagtataka naman silang napatingin lahat kay Nickie saka niya na realize wala pala siya sa Cebu

" Ahm what I mean ang galing mo lumangoy tsaka gwapong gwapo ah" nakangiti pang pagpaliwanag ni Nickie at napa'ahh'naman sila na doon palang nila na gets habang ngumisi naman si Klyde na tumingin kay Nickie dahilan para mapatikhim si Ken pero mukhang di yun narinig ni Nickie

"Really? So.... you like me now huh?" ani Klyde na sa nakakalokong ngisi niya

"Oo naman! Ang cool mo kaya tsaka..." tuwang tuwa ani Nickie na parang isa siyang Fan sa artista at napatingin pa sa abs ni Klyde.

"Ang ganda pala ng katawan mo ah" dagdag pa ni Nickie dahilan para peke ng umubo si Ken na medyo nilakasan dahilan para mapatingin silang lahat dito na ikinatawa ng bahagya ni Klyde

I Just Want to be Happy [Completed] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang