Chapter 119

1.1K 60 3
                                    

Alex's POV

Nagising ako sa pagkasilaw sa liwanag na tumatama sa mukha ko, dinilat ko na ang mga mata ko sabay kusot saka nag stretch pa ng katawan, may ilang buto pa sa likuran ko ang pumaltok dahil sumakit ang likod ko at sa iba ko pang parte ng katawan

Saka ko lang naalala na nasa sahig pala kami humiga, medyo matagal pa akong nakatulog kagabi kase nga i'm not comfortable kaya tinitigan ko na lang magdamag ang mukha ni tomboy hanggang sa makatulog na ko

Naalala ko si tomboy, alam kong medyo malapit kami sa isa't isa pero nasa pagitan namin nakapwesto ang batang babae na si Macy, agad akong napalingon sa gawi ko

Nagtaka ako ng di ko na makita si tomboy dahil ang tatlong babae lang ang nandoon kasama na doon ang bata na may kayakap na unan kaya mabilis kong nilibot ang paningin ko, hinahanap sya

Napabangon ako ng may naamoy akong mabango na sa tingin ko ay may nagluluto, nakita kong ang hihimbing ng tulog ng mga kasama ko lalo na sina Ranz, Klyde at Herbie na magkayakap habang tulog na tulog, napangiwi ako sa kanila, napapagitnaan nila si Klyde, ang iba naman ay yakap yakap ang unan

Tumayo na ako bago naglakad na sinundan ang mabangong amoy na yun tuloy ay kumalam ang tyan ko, napahagod pa ako sa buhok ko para ayusin yun

Napahinto ako sa pintuan sa may kusina ng makitang nagluluto si tomboy kaya wala ako sa sariling napangiti na napacrossarm sabay sandal sa pasimano ng pintuan habang pinapanood sya

'Maaga ba talaga syang nagigising sa umaga?'

Mukhang bagong ligo sya, nakasuot ng malaking t shirt saka short hanggang tuhod, napahinto pa ako ng tingin sa may paa nya, di ko alam kung bakit ako naku-curious sa ankle bracelet nya na yun at kung bakit panay butterfly na white ang makikita kong tatak o design ng mga gamit nya

'Bakit nya kaya tinatago yan palagi pero palagi namang suot suot? Sinong nagbigay sa kanya nyan?'

Di ko na lang pinansin yung palagi nyang suot na ankle bracelet na yun saka pinapanood sya na nasa likuran lang ako, kung kami lang siguro dalawa dito at pinagluluto nya ako naiisip ko tuloy na para kaming magasawa

"Stop staring" yun na naman ang linya nya kaya nabalik ako sa wisyo na napakurap pa ng ilang beses

'Pano nya nalamang nakatitig ako at may tao sa likod nya ng di tumitingin sa gawi ko?'

"I'm not staring" pagsisinungaling ko pa dahilan para don nya pa lang ako  sinulyapan pero patuloy parin sa ginagawa nya, wala namang nagbago sa reaksyon ng mukha nya ganon parin walang emosyon

"I'm just watching you" pagdadahilan ko pa

"Tss" yun na naman ang reaksyon nya sa pananalita

"By the way good morning Jaspher" bati ko pa pero tango lang ang natanggap ko sa kanya, i sighed because of her f*ckin' coldness again

'I f*cking miss her talking with me'

Lumapit ako sa kanya na ikinatigil nito sa ginagawa nya at napatingin na naman sakin "Let me help you" ani ko pa pero pinigilan nya ko

"asikasuhin mo na lang sarili mo, di ko kailangan ng tulong" aniya na ikinakunot ng nuo ko ng magets ang ibig nyang sabihin sa una nyang sinabi

Inamoy ko ang sarili kong hininga gamit ang isa kong kamay "What the f*ck wala namang amoy ah?" pagpoprotesta ko pa dahilan para tignan nya ko ulit sabay kunot ng nuo nya

"Sinabi ko bang may amoy?" pamimilosopo pa nya

"Psshh, what do you mean asikasuhin ang sarili?" napacross arm ulit ako sa kanya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now