Chapter 22

1.8K 96 6
                                    

Krist's POV

Nagising na ako ng maaga at tinignan ko muna ang oras sa relo ko, 5:45 a.m pa lang.

Ang bigat ng pakiramdam ko at parang nilaglagnat ako. Tumayo na ako sa pagkakahiga sa sahig at nagsimulang paika ikang maglakad patungong sa kusina para magluto at maghugas ng pinggan.

Sa tuwing umaalis ako ng bahay ay tulog pa palagi ang stepfather ko kaya naghahanda na lang ako palagi ng makakain para sa almusal at pangtanghalian n'ya.

Nang matapos na ako maghugas ng pinggan ay chineck ko muna ang niluluto ko. Ang sinaing ko ay medyo hilaw pa ang mga 'to kaya naupo muna ako saglit para magbasa ng mga libro.

Mabuti na lang ay wala pa kaming mga assignments na gagawin, kahit papaano may oras pa akong ipahingga ang katawan kong puno ng bugbog at sugat.

Mayamaya pa ay napansin kong kumulo na ang mga niluluto ko, ibinaba ko ang hawak kong libro bago hirap sa paglalakad na pumuntang kusina ulit.

Tinignan ko kung luto na ba ito at ng masiguro kong luto na ay pinatay ko na ang stove bago napatingin sa relo ko 6:25 am na.

Kumuha na ako ng mga damit ko sa sako, kumuha rin ako ng extra na mga damit at isinilid sa bag ko, kinuha ko na rin ang nagamit ko ng damit sa bag ko na nilagay ko sa labahan.

Pagkatapos kong kumuha ng damit ay sunod naman ko namang kinuha ang medicine kit at pumasok na sa banyo

Nakapagdesisyunan ko ng maligo sa maligamgam na tubig. Pagtapos kong maligo ay mainggat kong pinunasan ang sariling bugbog saradong katawan at saka ginamot ang sarili.

Bigla akong may naalala, 'di ko pala dala ang mga gloves ko kaya hindi ko matatakpan ang bago kong hiwa sa kanang kamay, sa ngayon ay pareho ng may hiwa ang dalawa kong kamay.

'Wala naman sigurong may paki na papansin pa sa mga sugat ko. Hindi na rin naman gaanong dumudugo dahil nagamot at natahi ko na rin ito kagabi'

Matapos kong linisin at magamot ang sarili ay nagbihis na ako ng brown na hoodie jacket, baggy pants na kulay dark blue at Nike Air Mag, bago ko isinilid ang black cap sa bag ko.

Hindi ko muna isusuot dahil basa pa ang buhok ko at 'di rin ako nagsusuklay dahil tulad nga ng nakagawian, 'di ako marunong mag-ayos.

Lumabas na ako sa banyo ng paika-ika parin sa paglakad. Nagumpisang pinilit kumain ng mabilis dahil mahirap na, baka bugbugin ulit ako ng stepfather ko pagnakita akong kumakain. Kahit papaano rin ay magkaroon ako ng lakas mula sa panghihina.

Sinuot ko ang gloves para sa pang hugas ng plato at nag-umpisa na ako muling hugasan ang pinaggamitan ko kanina.

Hinubad ko na ang gloves matapos maghugas ng pinagkainan bago ko naisipang uminom ng gamot para sa lagnat.

Ganito ka boring ang buhay ko, paulit ulit lang na pangyayari.

Pagod.

Bugbog.

Murahan.

Sigawan.

Sakitan.

Iyakan.

Pagkatapos, kung walang makain, matutulog na lang.

Ang matulog at isipin na maayos ang lahat ang tanging paraan para makatakas ako sa katotohanang, walang sino man ang magkakaroon ng paki sa akin.

Nagtoothbrush na ako.

Dahan dahan at paika ika akong lumabas na ng bahay sa lalong madaling panahon, baka magising ang stepfather ko, ayaw na ayaw n'ya ang makita ang pagmumukha ko lalo na sa umaga at bagong gising s'ya.

I Just Want to be Happy [Completed] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora