Chapter 47

1.7K 102 21
                                    

Third Person's POV

Nagising nalang si Alex sa hospital pagkatapos ng nangyari sa kan'ya. May benda sa ulo habang ang mga kaibigan n'ya ay naka upo lang sa mga sofa sa kwarto ng ospital. Tinawag nila ang doctor nang makita nilang gising na ito.

Namg makaalis na ang doctor ay na-agaw ang atensyon nila nang pumasok doon si Dean.

"How are you now?" pangungumusta ni Dean kay Alex.

Hindi sumagot agad si Alex. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Now.. I'm fine, I think" tugon ni Alex.

"Who did this?" tanong rin ni Mike.

Napakunot naman ng nuo si Alex, masama ang tingin sa kawala at matagal bago sya sumagot "That Krist" sabi n'ya na ikinagulat at ikinatigil ng lahat, lalo na sa naging reaksyon ni Dave.

"Are you sure about that? Papaano mo naman na sabi? Nakita mo ba ang mukha niya? May ibedensya ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Dave na hindi makapaniwala.

"Dude, imposibleng magagawa ni Krist 'yan" pagsingit ni Ken dahilan para lalo lang sumama ang loob ni Alex at bumuga ng marahas na hangin na para bang naiinis na ito.

"Talagang mas kinakampihan niyo pa siya kaysa sa'kin?" inis na ani Alex.

"Sa office na natin pagusapan 'to" pag-anunsyo ni Dean.

Sinabihan niti ang Secretary sa school na ipatawag si Krist.
.
.
.

Nasa loob na silang lahat sa Dean's Office maliban kay Krist na inaantay pa nila. Tahimik ang lahat, tulala si Alex sa kinauupuan at ramdam pa rin ang sakit na natamo nito sa ulo.

Nabaling ang tingin nilang lahat sa nagbukas ng pinto. Kaagad kumulo ang dugo ni Alex nang makita ng tuluyan ang presensya ni Krist na nakapamulsa ang parehong mga kamay at hindi mawawala ang blanko nitong mukha.

"Sit down, Ms. Corpuz" ani ni Dean, mahihimigan ang pagpapasensya sa nangyari. Pinapakalma ang sarili.

Masama naman ang tingin ni Alex kay Krist. Si Krist naman ay natigilang nadapo ang tingin sa ulo ni Alex.
.
.
.

Krist's POV

'Ano bang meron? Anong nangyari kay Tukmol bakit may benda ang nuo nya?'

Naguguluhan ako kung bakit ako pinatawag dito matapos kong marinig na may nangyari daw na masama sa Tukmol na 'yun, hindi ko hilig makiusyoso kaya wala akong kamuwang-muwang kung bakit pinatawag ako.

Kanina lang din pinungkulan na ako ng mga masasamang tingin habang pinagbabato ng kung anong bagay kaya natagalan ako.

"Ms. Corpuz i need your explanation right now!" natinag akong napatingin kay Dean na hindi pa man ako nakakaupo ay masamang mukha niya na ang sumalubong sa akin.

'explain saan?'

"Krist papaano mo nagawa 'to? Akala ko ba ayos na ang lahat?" ani naman ni Dave na ikinagulo ko lalong binalingan siya ng tingin.

'Ang alin?'

"Nakakahiya kung aabot ito sa Ama niya Ms. Corpuz! Ganito ang nangyari sa anak n'ya! Ano na lang ang sasabihin n'ya sa kagagawan mo?" kulang na lang ay umusok na ang ilong ni Dean sa galit.

Hindi ako nagpaapekto dahil hanggang ngayon, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Ni hindi ko alam kung anong binibintang nila at bakit pinagbabato ako kanina sa dinadaanan ko. Sa paningin nilang lahat lalo na si Dave ay para bang ganoon na lang ako ka masamang tao.

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon