Chapter 88

1.3K 83 1
                                    

Mike's POV

Nagising ako at umuubo ng umuubo ng may naramdaman akong basa at malamig na bagay ang sumaboy sa mukha ko, idinilat ko ang mata ko na pumupukit pukit pa para i adjust ang nakikita ko

"despierta!" (wake up!) rinig kong sigaw ng isang lalake dahilan para maiangat ko ang paningin ko

Nagulat ako ng makita sa gilid ko si Alex na sinapak ng isang lalake dahilan para magising ito, nakatali sya sa isang upuan hanggang braso

"Alex!——" natigilan ako ng may sumapak sakin at inis akong tumingin doon, bumungad sakin ang mga lalakeng humarang sakin kanina

Pupuntahan ko sa na ang mga ka gang ko para pagusapan namin ang tungkol sa mga death threats na natatanggap naming magkakaibigan dahil nasabi samin ni abno na wag naming ipaalam sa pulis ang tungkop don kaya ko naisipang ang gang ko na lang na gang namin noon ni Alex ang hihingan namin ng tulong tutal ay marami naman akong mga tauhan

Malayo palang ako sa tambayan namin ng harangan ako ng mga lalakeng puros nakaitim at may grey sa ulohan nila na nakatuping paniyo parang katulad sa gang namin na pula naman ang panyo sa ulo, akala ko ay tauhan ito ni LIVE pero hindi ito parang nakaninja outfit na tinutukoy ni Ranz at abno kaya naisip ko na isa rin silang gang

"Cállate!" (Shut up!) sigaw ng lalakeng sumapak sakin

'Ano daw?'

Napatingin ako sa kabilang side ko at nagulat din ng makita si Ranz na nakatali din katulad kay Alex na hanggang braso, tatayo na sana ako para kalagan sila pero di ako makakilos, napayuko ako at nakitang nakatali din pala ako

Nilibot ko ang paningin ko at nanlaki ang mga mata ng makitang, iniisa isang tanggalan ng nakabalot na itim sa uluhan ni Dave at nakitang kompleto kami!

Binuhusan ng isang lalake si Ranz ng isang baldeng tubig dahilan para magising din ito, ganon din sina Dave, Klyde, Calix, Ken at Herbie, napaubo ubo sila at naghahabol ng hininga saka inangat ang mga tingin at nilibot

"Mike! " pabulong na sabi ni Alex sakin dahilan para tignan ko ito

"What is going on here? Where are we?" tanong ko sa kaniya

"I don't know ok? Pareho tayong nandito" ani Alex na mukhang namomoblema

"Hey! Where the hell are we?" rinig ko ang inis na pagkakasabi ni Klyde sa isang lalake na sumapak sakin kanina pero tinignan niya lang ito ng nagtatanong at mukhang di naintindihan ang sinasabi ni Klyde

"What the heck is going on?!" natatarantang ani Ranz

"Anong ginagawa namin dito? Bakit kami nakatali? Bakit niyo kami sinabuyan ng tubig?! " naguguluhan at kinakabahang ani Dave

"Sino kayo? Anong kailangan niyo samin?! " kinakabahan ding sabi ni Ken

"Bakit kami nandito? Sino ba kayo? Pakawalan niyo kami dito!" nagpupumiglas pa na sabi ni Calix pero di sya makagalaw ng maayos

"Psstt huuyy!! Alisin niyo nga tong nakatali samin! Daig pa namin ang naparalyse dito eh!" pagrereklamo pa ni Herbie

"SILENCIO!" (SILENCE!) inis na sabi ng lalake na mukhang naririndi samin, may lumapit na mga kalalakihan na may bitbit na malalaking kahoy na marahan pang pinapalo palo sa palad nila at nakangisi samin

"¿Que es ese ruido?" (What is that noise?) rinig namin ang boses ng isang lalake na sa tingin ko ay medyo matanda na

"Oh men another alien words?" rinig ko ang mahinang pagkakasabi ni Ranz

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now