Chapter 116

1.3K 63 3
                                    

Krist's POV

Dalawang araw na akong walang kain magmula ng binugbog ako ng lasing kong stepfather nun dahil araw araw na naman syang naglalasing kahit nilalagnat pa sya palagi at higit sa lahat palagi na naman nya akong sinasaktan

Pansin ko na nagiiba ang katauhan nya nito lang nakaraang araw kung saan sya naging matino at di nananakit, sa tuwing lasing sya ay kayang kaya nya akong saktan pero kapag wala syang tama kaya nyang pigilan para di ako saktan

Naglalakad ako dito sa may hallway na sinadya kong maagang pumasok para walang makakita saking ganito ako maglakad at nasasaktan ako at ayaw ko ring masalubong pang gising ang stepfather ko baka mabugbog pa ako lalo, kagabi lang kase ginamit na naman nya ang latigo sakin buti na lang at di natamaan ang mukha ko dahil pinangharam ko ang mga braso ko kaya may panibago akong sugat na nahiwa pa sa may braso at likod ko

Sa susunod na linggo na aalis ako ay dating gawi magpapagamot ako sa mga sarili kong mga doktor bago  magtatrabaho sa sarili kong pinagkakaabalahan, lagi naman akong busy kaya di ko na mabilang ang mga eyebags ko

(e_e)

Wala pang katao tao dito pero bilang lang sa mga daliri ang mga nakikita ko kaninang estudyanteng maagang pumasok, may bitbit akong paper bag na laman ang polo ni Dave na bagong laba din

Nakayuko lang akong naglalakad ng paika ika habang suot ang hood at cap ko kaya di ko nakikita ang nadaadaanan ko at di rin ako nakikiramdam sa paligid dahil hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung ano bang kagusto gusto sa isang tulad ko para magustuhan nila ako, nagmumuni muni habang paika ikang naglalakad at kumakapit kung saan bilang suporta sa paglalakad

(._.)

Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang maganda na tulad ang nakikita ko sa ibang babae, mahilig akong manapak kapag kailangan, hindi ako palangiti, hindi ako namamansin kapag di ako kakausapin, tutok lang ako sa libro palagi, lagi rin akong tulog sa klase dahil nga sa sobra kong busy na minutos na lang ang mga tulog ko, pilosopo akong tao trash talker din kapag di ko na nagugustuhan ang usapan,

'Ano bang nagustuhan nila sakin? Di ba nakaka turn off yung ugali ko o kung paano ako umasta? Paano manamit? Baka naman mali lang naiisip nila na gusto nila ako dahil magmula ng magkaayos kami ay nagiging feeling close na sila sakin?'

Pok

('_')

Natigil ako sa paglalakad at napatingala ng maaumpog ako na sa tingin ko ay matigas na dibdib ng tao

"Oiy morning aga mo ata" aniya na ngumiti sakin, ng tumingala ako sa kanya ay nakapantay na sya agad sakin kaya halos maduling ako sa lapit ng mukha namin kasabay ng pagtibok ng puso ko kaya nagingay na naman ang relo ko

'di ba dapat ako nagtatanong nyan?'

(¬_¬)

Napatingin ako sa gilid ko gamit mata ng may humawak sa kamay kong nakahawak sa pader na dahil sa pagkabigla ay nasandal ko ang taong yun ng pabigla sa pader sabay amba ng kamao ko sa kanya na may hawak pang paper bag

"teka Krist ako to!" pag pupumiglas pa ni Dave na nakahawak sa isa kong kamay na nakakwelyo sa kanya at nakasuko naman ang isang kamay na ganito ang reaksyon nya

d[0^0]b J

Binitawan ko na sya sabay baba ng kamao kong may hawak na paper bag

'Matagal ko ng nakilala si boss at wala naman akong nararamdaman na may gusto sya sakin magmula ng magtrabaho ako sa bar nila o baka naman sadyang napakamanhid ko na?'

Plok

'Ay t*ngina'

(~_~)

Napatingin ako sa kabilang side ko ng may pumitik sa nuo ko doon banda

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon