Chapter 94

1.5K 80 2
                                    

Krist's POV

"Please tell me the truth "ani niya sabay hawak na naman sa kamay ko at ikinagulat ko pa lalong mapatingin doon ng di ako agad maka sagot

" A-ano bang napagusapan niyo?"pinilit kong wag mautal pero nabigo ako lalo na dahil sa pagkakakulong ng hita niya sa hita ko at di maalis sa pakiramdam ko kanina yung oras na umano yung ano niya

Bumuntong hininga muna sya at mas lalo akong napayuko sa mga nakakailang na titig niya at kanina pa ako naiinis sa sarili ko kung bakit ako pinagpapawisan samantalang ang lakas ng aircon dito

'Di niya ba alam ang salitang Distansya? Gusto niya pa atang i-spell ko yun isa isa? Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako naiilang? Bakit ako napapasunod agad? Bakit..... Ganito ang epekto niya sakin?....... Tss ganito ba talaga silang magkakaibigan? Magnanakaw ng halik?'

"Nagsorry sya sa nagawa niya sakin, sinabi niya rin na napagutusan lang daw sya ng itinuturing niyang ama" pagkikwento pa niya

"Oh eh anong sabi mo?" ani ko na sinubukang tumingin ng diretso sa kaniya at unti unting ibinulsa ang kamay ko sa jacket ko na di niya napapansing naalis ko na ang paghahawak niya sa kamay ko at nakahawak na lang sya ngayon sa tuhod ko

"Sabi ko di ko sya mapapatawad" pandideretso nyang sagot sabay ngisi

"Bakit?" nagugulat kong sabi sa walang emosyon kong mukha

"Psshh di ka nga niya pinatawad kahit wala kang kasalanan ako pa kaya na may kasalanan sya sakin" Aniya at saglit akong napatitig sa kaniya at ganon din sya na para bang ayaw niya na alisin ang titig niya sakin simula pa kanina at kanina pa rin ako naiilang di ko lang pinapahalata dahil focus ako sa libro kanina

Ako na ang umiwas na di ko alam kung ilang segudo o minuto kami nagtitigan, bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko dahil di na maawat ang puso ko sa kakatibok ng mabilis dahil sa lapit namin at presensya niya lalo na ng paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang mga sinabi niya kanina habang kandong ako at sobra akong nangilabot dahil mukhang sinasadya niyang idikit ang labi niya kanina sa tenga ko! Lalo na ang pakyakap niya sakin kanina na halos amoy na amoy ko ang pabango niya at halos masubsob ang mukha ko sa leeg at dibdib niya!

Akma na akong magsasalita ng kunin niya ang siko ko kung saan doon ko hawak ang panibago na naman niyang panyong binigay sakin, narinig ko ang bahagya nyang pagtawa bago kinuha ang panyo at gulat pa akong napatingin sa kaniya ng punasan niya ang mukha ko na siguro ay pinagpapawisan na naman ako

'Usap pa ba ang tawag dito? O pakikipag landian? Ganito ba sya sa lahat ng babae? Kalma lang Krist dapat di ka ulit atakihin ng sakit mo ng dahil sa kanya wag kang magpapatalo sa presensya at iniasta niya'

"B-bat di mo naman sya pinatawad? I-iba ang problema niyo iba rin ang samin, kaya.... Patawarin mo na sya" ani ko pa kahit utal ay tumingin ako ng diretso sa kaniya at saglit syang natigilan sa pagpupunas sakin saka ako tinitigan habang ako di matagalan ang pagtingin sa kanya kaya panay na lang ang pagyuko ko

"Bakit ka ba ganyan?" seryoso niyang sabi at di ko alam kung bakit ako kinakabahan sa pagkaseryoso niya palagi

"Bakit?" kinakabahan kong sabi kahit di halata sa walang emosyon kong mukha

"Binully ka rin niya, hindi pa humingi ng tawad sayo, kinalimutan ka na niya kung ano kayo dati, bakit ka ganyan? Gusto mo parin patawarin ko sya kahit mas marami syang kasalanan sayo? Bakit......" aniya na malungkot ang mukha niya ngayon at di ko kayang salubungin ang tingin nya ng maramdaman kong manubig ang mga mata ko ng maalala ang mga pinagsamahan namin ni Cindy na napayuko na lang

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now