Chapter 68

1.7K 101 16
                                    

Alex's POV

Friday ngayon at last practice namin ngayon dahil sa Monday na magsisimula ang intrams, todo practice na ang ibang mga representatives sa iba't ibang sports pero naisip ko na naman tuloy si tomboy

Di ko alam kung anong mararamdaman ko pagdating sa mga sinabi at pinakita niya kahapon at sa nakita ko noon kung anong nangyayari sa bahay nila, di ko masabi na mabait siya at lalong di ko masabi ngayon na isa syang masamang tao

Halos kaonti lang ang tulog ko sa kakaisip kay tomboy at sa dami ng mga tanong na nagpagulo sa isip ko

Isa pa paano niya kaya nahahati ang oras niya sa pagpapractice ng lahat sa isinali ko sa kanya at ang pagtatrabaho niya? Nakakatulog ba siya ng maayos? Nakakakain sa tamang oras?

Asan na kaya yun bakit di ko man siya nakikita laging nagpapractice at noong mga nagmeeting lang na kung sino ang mga napili na representatives

Lalo tuloy ako humanga ng makuha siya sa lahat ng ipinasali ko sa kanya, ano pa ba ang di niya kayang gawin? Halos nasa kaniya na ata ang lahat eh

Speaking of tomboy nakita ko na siya ngayon papasok dito sa court kasama ang mga ka team niya sa basketball kahit nasa likuran siya kitang kita ko siya dahil siya ang pinakamatangkad sa lahat ng mga babaeng ka team niya

Naka damit pang basketball ang mga kateam niya sa pang practice maliban sa kaniya dahil nakahoodie jacket lang sya as usual

"Ok so take a break muna dahil ang mga girl version sa basketball ang magpapractice ngayon" ani Coach at napasulyap pa ulit ako kay tomboy at nagulat naman ako ng makita siyang nakatingin din sakin na blanko at nakapamulsa lang

"Tara Canteen" pagaaya ni Dave sa amin ni Mike

"Pa sali mo na lang ako manonood lang ako ng practice nila" ani ko na ipinagtaka nilang dalawa at sabay sabay na napatingin kay tomboy

"Pasali na rin ako Dave magpapahinga muna ako saglit" sabi ni Mike saka na upo at napalipat lipat lang ang tingin ni Dave sa aming dalawa ni Mike at mapapasulyap kay tomboy at napabuntong hininga pa siyang nakatingin sa kaniya

"A-ahm ok? So aalis na ko" nagtataka man ay napilitang umalis para bumili ani Dave at sumulyap pa ulit kay tomboy

Naupo na ako sa tabi ni Mike at tumingin lang kela tomboy na nasa likuran parin nila at siya lang ang walang kausap habang inaantay nila ang Coach nila

Kung titignan mo ang mga kateam niya ay may ilan sa mga ito na maglalaro na lang nga ay naisipan pangmagpaganda, ang ilan ay di mapakali sa pagaayos ng buhok nila, ang iba naman ay halos makipagpaligsaan sa pakapalan at papulahan ng labi at pisngi, ang ilan ay astigin ang kilos nila pero naisipan pang magayos ng sarili at titigan ang sarili sa salamin

Pagdating kay Tomboy ay ibang iba siya sa lahat ng mga babaeng nandito at ngayon ay nakapikit siyang nakapamulsang nakaupo sa isang tabi na nakapandekwatro.

Mukha siyang natutulog ngayon, kanina ko pa rin na pansin na mapungay ang mga mata niya at may kakaiba na naman sa kanya, di na ako nagtaka doon dahil palagi namang maykakaiba sa kanya

Kulang siguro to sa tulog, pakiramdam ko kaslanan ko 'to, di ko alam kung bakit di ko kayang magalit sa kanya sa mga pagbabanta niya kahapon, nasisiraan na nga siguro ako ng bait.

"Wag mong masyadong pakatitigan di naman maglalaho agad yan kaya di mo kailangang bantayan, baka rin matunaw" ani Mike at doon lang ako nabalik sa wisyo dahil kanina pa pala ako nakatitig kay tomboy

"Bakit pala di ka sumama kay Dave? Manonood ka rin ba?" pag-iiba kong tanong ko kay Mike at napatingin naman siya sa gawi ni tomboy sabay smirked.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now