Chapter 141

895 57 13
                                    

Alex's POV

Today is Christmas Eve. Maraming handaan, nagsisiyahan ang mga tao dito sa mansion habang nagtutulungan sa paghahanda, nakikipagkwentuhan o nakikipagbiruan, habang ako naman ito, nagiisa dito sa bar Island, tutungga ng alak

"Paskong pasko ganyan ang dating mo, parang daig pa ang undas" napatingin ako sa nagsalita

Si Dad pala, naupo sya sa tabi ko saka kumuha ng baso at naglagay din ng alak doon, inilahad nya ang baso sa harap ko matapos nyang lagyan yun senyales na nakikipag cheers sya sakin, ganon din ang ginawa ko

"Alexander...." pagtawag nya sa pangalan ko dahilan para lingunin ko sya muli

"I have a serious question for you" parang kinabahan ako sa sinabi nya lalo na sa salitang serious

"What is it?" i said

"Do you really love her?" muntikan na akong mabulunan sa diretsong tanong ni Dad habang diretso din ang tingin sakin

Napakunot ang nuo kong napatingin sa kanya at di nakasagot "Did you really fall for her?" ani pa nya na para bang nagdududa sya gayong sarili nya akong anak

Umiwas ako ng tingin sabay tungga nung nasa baso ko "No, Dad" buong lakas kong sabi ng di makatingin sa kanya "I didn't love her in the first place" dagdag ko pa

"Then look at me straightly in the eyes, sabihin mo sakin yan ng diretso" napalunok na lang ako sa kaba sa pagkaseryoso masyado ng tono nya na parang may nasabi akong di nya nagustuhan

Pinilit kong gawin ang ipinaguutos nya "I.... I really don't love her in the first place, Dad————" natigil ako sa pagsisinungaling ko sa sarili kong Ama ng ang marahas nyang pagbuntong hininga ang nakapagpahinto sakin

Nandidilim ang mukha nya na para bang galit na sya pero pinili nyang kumalma na napahilot ng sentido nya

"Napakalaki ng nagawa mong kasalanan, Alexander David" aniya ng may diin sa mga salita at matalas akong tinignan

Sa salita at tingin nya na yun ay parang iba syang tao ngayon lalo na kapag sa mata ka nya tumingin, tuloy ay may sumagi sa isip ko na parang pamilyar ang mga mata ni Dad sa kung sino ng na meet ko pero di ko alam kung saan, kailan at sino yun

'I know na kaya nagkakaganyan si Dad dahil kahit saang tignan, kung papairalin ko ang pagsisinungaling ko ay ako ang magmumukhang masama kahit sa totoo lang ay nasaktan din ako, but why Dad acting so weird right now? Parang may ibang meaning pa ang pagkakasabi nya doon sa kasalanan'

"I know Dad but————"

"Shut up, magpapalamig muna ako, baka kung ano ang magawa ko sayo Alexander paskong pasko pa naman" may diin sa salita nyang pagkakasabi na ikinatigil ko

For the first, ganito nya ako trinato na parang mas kinakampihan nya pa ang ibang tao kaysa sa sarili nyang anak

'In the first place rin, may nararamdaman na akong kakaibang vibe sa dating ni Tomboy, di talaga maipaliwanag, pati ba naman si Dad mahahawa ng kawirduhan nya?'

Tumayo na sya "Excuse me" aniya bago tuluyang umalis habang napasunod ako ng tingin sa kanya

Nang tulyuan ng mawala si Dad sa paningin ko ay pinagpatuloy ko na lang ang pagiinom ko, di naman ako magpapakalasing lalo na at sasalubungin pa namin ng sabay ang pasko, habang ang mga kaibigan ko ay sinalubong nila ang pasko sa kanya kanya nilang pamilya

'Paskong pasko, mukhang may di parin kami pagkakaunawaan ni Dad'

"Baby, may bisita ka!" pasigaw na ani Mommy tutal ay busy sya doon sa bandang sala katulong sila Nay

I Just Want to be Happy [Completed] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن