Chapter 27

1.8K 94 3
                                    

Krist's POV

Hingal na hingal ako sa pagtakbo papuntang banyo. Mabuti na lang ay walang mga tao dito ngayon sa ndadaanan ko, siguro ay naguumpisa na ang klase.

Nakakatakbo na rin ako ng mabilis dahil medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayon, uminom na kase ako ulit ako ng gamot at marami rin akong kinain para makabawi ako ng lakas.

Pumasok ako sa isang cubicle dito sa restroom at isinandal ko muna ang gitara ko sa may gilid.

Mabilis kong hinanap ang inhaler ko dahil parang mauubusan na ako ng hininga mula sa pagtakbo ko.

Sa pagtakbo ko ay lalong sumakit ang pilay ko sa paa pero tiniis ko muna ang sakit na 'yon.

Ang mahalaga ay mahanap ko ang inhaler ko dahil 'di na talaga ako makahinga ng maayos.

Kinakalkal ko ng kinalkal ang bag ko pero wala akong mahanap na isang inhaler ko na iyon na palagi kong ginagamit sa t'wing inaataki ako ng sakit ko.

'asan na ba 'yon?'

Patuloy ako sa paghahanap pero sa huli ay napagdesisyunan kong pakalmahin ang sarili at humahanap ng hangin na mapaghingahan.

Flashback

Patuloy ako sa pagluha at ngayong oras ko na lang ilalabas ang lahat ng hinanakit ko na walang sino man ang makakaintindi ng mararamdaman ko.

'Bakit... Kailangan kong danasin lahat ng ito?'

Ibinaba ko muna ang gitara ko at paulit ulit na pilit pinunasan ang mga luha ko. Umaasang mapapatahan ko ang sarili ko sa ganon lang kadali na paraan.

Nakaramdam ako ng sakit sa isa kong braso dahilan para mapahawak ako doon.

Sumasakit iyon dahil nagamit ko na naman ito. Ibinalik ko na sa bulsa ng jacket ko ang kaliwa kong kamay para 'di masyadong magalaw 'yon.

Kasabay ng pagtunog ng relo ko ay ang mabilis kong paghahabol ng hininga sa sobrang pagluha kanina.

Nagmamadali akong inabot ang aking bag bago mabilis na hinanap doon ang inhaler ko. Natutuliro akong hanapin iyon sa sakit ng dibdib ko.

Nang mahanap ko na ay nagspray na ako sa bibig ko. Paulit ulit na marahang bumubuga ng hininga.

Ilang saglit pa ay kumalma na ako bago ako makaramdam na may parang nanonood sa akin.

'Di ko napansin na may tao dito bukod sa akin dahil siguro sa emosyon ko kanina.

Nararamdaman kong papalapit na s'ya sa akin, hanggang sa narinig kong may natapakan s'ya, sa palagay ko ay tuyong dahon iyon.

Doon pa lang ako tuluyang natinag matapos makumpirmang may tao ngang nanonood sa akin.

Mabilis kong kinuha ang bag at gitara ko at walang oras akong sinayang dahil kumaripas na ako ng takbo kahit napakasakit ng paa ko dahilan para paika ika ako pero, tiniis ko iyon.

"HOY!" rinig kong habol n'yang sigaw.

Hindi ako huminto o lumingon man lang, nagpatuloy lang sa pagtumakbo ng mabilis.

Hindi ko masyadong nakilala ang boses n'ya dahil medyo nakalayo na ako ng tawagin n'ya ako.

End of flashback

'T*ngina, naihulog ko sa kamay ko ang inhaler! Paano na 'to?'

Kailangan kong balikan mamaya iyon dahil baka may makakita nun at ipahanap kung kanino 'yon.

'kapag nalaman nila na sa akin 'yon ay... hindi pwede, hindi pwede 'to, babalikan ko na lang mamaya 'yon'

Patuloy parin sa paginhale exhale at pinapakalma ang sarili ko habang nagkakalkal parin dahil buti na lang ay tatlong inhaler ang dala ko at may dalawa pa ako dito.

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon