Chapter 101

1.3K 72 4
                                    

Calix's POV

Nagpasa na kami ng papel sa mga tapos na ang iba ay may oras pa sila para tapusin ang pagsasagot ng test papers

Tapos na kaming dalawa ni Alex at napatingin kay Krist na ganon parin ang posisyon na nakapikit ang mga mata at di ko alam kung tulog ba talaga sya, sino ba naman kaseng tao na nakakatulog ng nakaupo at di tumutumba ang katawan o ulo, sya lang ata

"Gigisingin ba natin?" pagtatanong ko kay Alex

"For those who are done, you can go now" pagaanunsyo pa ng prof na nagbabantay samin

"Hey dudes lets go" ani pa ni Klyde na nakasabit na ang bag sa balikat at ganon din kami ni Alex at iba pa naming kaibigan na napatingin kay Krist

"Oiy" pagtatawag ni Alex kay Krist habang si Mike naman ay marahan syang inalog sa balikat dahilan para dahan dahang imulat ni Krist ang mga mata niya at nakita ko ang mga mata niya na may pula pula pa na halatang nabitin ang tulog

"We're sorry for waking you up, but it's already time babe" nakangiting ani Klyde at nakakagigil dahil di niya talaga matigil ang bibig nyang kakatawag kay Krist na babe na para bang gf niya si Krist

Natawa na lang ako ng mahina ng humikab sya, ewan ko ba sa lahat ng gagawin o simpleng kilos niya ay naku-cute-an ako o naaangasan lalo na kapag ngumisi sya

Akma niya ng kukunin ang bag niya ng unahan sya ni Ranz at sya na ang nagdala nun na ginawang bagpack ang bag nilang dalawa ni Krist na nakasabit sa likod niya

Bumuntong hininga si Krist saka tumayo sabay pamulsa at nilampasan kami na nangunang maglakad bago kami sumunod sa kanya

Napatingin saming lahat si prof lalo na kay Krist na parang inaantok pa dahil ilang beses na syang humihikab, di na namin yun pinansin ang mga matang nakatingin samin at nagtitilian na mga babae lalo na ang mga bulungan na napapatingin kay Krist na mukhang pinaguusapan sya

'Di na ba mawawala sa school na to ang mga chismosa at chismoso? Lahat na lang pinaguusapan at nilalait na akala mo kung sinong perpekto'

Napatingin ako kay Alex na salubong ang kilay na pinagtitinginan ng masama ang mga taong pinaguusapan at hinuhusgahan si Krist kaya napapatigil sila sabay alis sa takot habang si Krist ay parang walang pakialam

"Wag mo na lang silang pansinin" ani pa ni Mike kay Krist at tinignan naman sya nito

"Sino?" ani Krist sa walang emosyon na mukha na mukhang walang ideya sa pinagsasabi ni Mike at wala talaga syang pakialam sa panghuhusga ng tingin at bulungan sa kanya

"Psshh" reaksyon ni Alex at sya naman ang tinignan ni Krist bago sumulyap sa mga taong nakapaligid samin na ang ilan ay pinagtitinginan sya habang ang iba ay nagtitilian

"PEYMUS!" pagtatawag ng grupo ng mga kalalakihan at kung di ako nagkakamali ay yun ang mga Fans ni Krist na nagaaya sa kanya ng lunch pero di pumayag si Krist

"Lodi, ayus ka lang ba? Bali balita daw kase na pinakulong ka daw dahil ikaw daw ay may pakana sa nangyari nung last day ng intramurals at tumakas ka daw" ani ng isang lalake na sa tingin ko ay ang pinakamakulit sa kanila ng makalapit sila samin na ikinahinto namin sa paglalakad at napansin ko na malapit na pala kami sa Canteen

"Wag mong masamain lodi ah mga naririnig  lang namin yun pero naniniwala kami na wala kang kasalanan dahil lodi ka namin, naiinggit lang sila sayo kaya ka nila sinisiraan" ani ng isa pang lalake na mukhang namumuno sa kanila

"Oo nga lodi ang astig mo kase kaya ka napagbintangan na namaril ka at may baril ka" pagsangayon pa ng isang lalake na sinangayunan din ng mga kasamahan niya

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon