Chapter 48

2K 117 12
                                    

Third Person's POV

"Alex what happened to you?" salubong na tanong ng Ina ni Mike kay Alex, pilit lang na ngumiti si Alex sa kan'ya.

"What happened Dean? Bakit pinatawag kami?" ani ng Ama ni Herbie at napasulyap ito kay Krist ng ilang segundo, ganon din siya na ipinagtaka nilang lahat maliban sa mga magulang nila dahil nakatingin din ito kay Krist bago sabay na napaiwas ng tingin.

Napapaisip sila Alex ang tungkol sa pagtingin ng mga magulang kay Krist dahil para sa kanila ay parang may ibig sabihin ang titigang iyon. Kung kilala ba nila si Krist ng mga magulang.

"Mr. Arellano, I heard about it and they also admitted that they are being bullies again. Siya ang bagong target nila" matapos sabihin iyon ni Dean ay ikinagulat nilang sabay napatingin kay Herbie at napatingin kay Krist.

Lahat ng mga magulang ay parehong natigilang napababa agad ang tingin kay Krist. Sa paraang iyon, makikita sa kilos ng mga magulang kung paano nila hindi kayang matignan si Krist na ipinagtaka nila Dean at ang magbabarkada, mapapansin rin na animo'y may bumabagabag sa mga magulang nila at napaghahalatang kabado sa presensya ni Krist. Napakatahimik nila sa loob habang si Krist ay blankong mukha ang ibinigay niya sa mga magulang ng mga ito.

"Students you can go now, may paguusapan lang kami ng mga parents ninyo" saad ni Dean kahit nagtataka dahil binigyan siya ng makahulugan na tingin ng Daddy naman ni Calix, pinangangahulugang sila lang dapat na mga magulang ang maguusap-usap.

Lumabas na silang lahat at nagpahuli si Krist habang malalim naman ang iniisip nilang lahat bago balimgan ng tingin si Krist.

"Krist uhm.. would you mind if I.. ahm.. ask?" nilakasan ni Dave ang loob sa pagtatanong na humarap kay Krist na siyang nasa likuran nila.

"Nagtatanong ka na nga e" napabuntong hiningang anito.

"Pshh" naging reaksyon ni Alex. Napatikhim si Dave sa pambabara na naman sa kaniya ni Krist.

"Kilala ka ba ng parents namin?" diretso ng tanong ni Dave na ikinatitig sa kaniya ni Krist at nahinto sa paglalakad. Hindi ito sumagot pero sa isang pagngisi niya ay sila naman ang natigilan.

Sa hindi pagsagot ng tanong ni Krist na nagpatuloy lang ito sa paglalakad ay isa sa kanila ang nag-isip ng panibagong tanong.

"Krist, when you leave the hospital, don't you have someone with you? The nurse told us that it was your cousin and uncle. So it means.. sila ang guardian mo, ba't 'di na lang sila ang pinapunta mo dito?" tanong naman ni Herbie na mukhang nakukuryoso muli at napaisip naman ang mga kaibigan niya.

Muling nahinto sa paglalakad si Krist at doon niya pa lang tinignan si Herbie. Naiisip kung bakit sila nito kinakausap kung kanina lang ay galit sila sa kaniya.

"It's useless.." tipid na tugon ni Krist at akmang maglalakad muli ng harangan siya ng mga ito sa daanan.

"Why?" tanong ni Ranz.

"Mas kakampihan nila kayo kaysa sakin.. susumbatan nila ako" diretsahang sagot ni Krist na may nababagot na tingin sa kanila. Ikinatahimik ng lahat ang sinagot niya. Hindi nila inaasahang marinig iyon.

"I'm sorry about that Krist... Hindi talaga ikaw ang gumawa niyan kay Alex?" paninigurado ni Ken.

Isang malalim na pagbuga ng hininga ni Krist ang nakapagpahinto muli sa kanila.

"I review niyo ang kuha ng CCTV at kuhaan niyo ng litrato ang lahat ng suot ko ngayon, ipagkumpara niyo ang pagkakaiba pa namin kung ayaw niyong maniwala.."

I Just Want to be Happy [Completed] Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ