Chapter 46

1.8K 97 23
                                    

Alex's POV

"Oh dude, why are you here? wala ba kayong practice?" Herbie asked when he saw me enter here in the practice room.

Audition kase sa Dance Club ngayon kaya ako nandito, gusto kong manood at may hinaantay ako. Rinig ko namam ang pagbubulungan at pagtitilian magmula nang makita akong pumasok dito.

"katatapos lang, I just want to watch the audition.. Wala na rin akong gagawin" pagdadahilan ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Ranz.

"Really? Wow... nakakapanibago ka, anong nakain mo, dude? You don't like dancing or watching dances, right?" napangiwing ani Ranz na sinang-ayunan ni Herbie.

I was about to speak when someone announced and said that the audition would begin, while me, tumitingin-tingin sa paligid at hinaantay sya.

Nagumpisa nang sumayaw ang mga nagaudition dito.

"Dude, who else are you waiting for?" narinig kong tanong ni Ranz at tumingin naman ako sa kan'ya.

"Nothing" tipid kong sagot, ibinaling ko na ang tingin sa harapan.

Halos lahat naman sila magagaling sumayaw hindi ko na binabalingan ng pansin ang ilan, pero ang iba ay parang nakulangan sa kain, ang iba naman ay parang kawayan na sumasayaw habang ang ibang mga babae ay parang bulate kung sumayaw, panay ang kendeng.

Lahat ay nahinto sa ginagawa at naagaw ang atensyon sabay lingon sa pintuan. May pumasok doon, ang kanina ko pa inaantay. Napatingin rin siya samga taong tinignan siya. Nagkatinginan ulit sina Banak at Nakba na katabi ko.

"Anong ginagawa ni Krist dito?" pabulong na tanong ni Ranz.

"sasali din ba s'ya sa Club na 'to? Marunong siyang sumayaw? Baka suntok at sipa ang dance step nito.." pabiro pang sabi ni Herbie at ikinatawa naming tatlo.

Akala ko pa naman bati na sila dahil nag-sorry na sila pero ngayon ay bully pa rin.

Lumakas ang bulungan na parang hindi na bulungan ang tawag doon habang nakatingin kay Tomboy, balewala lang itong isa dahil pumwesto lang siya sa tabing gilid, wala na kase siyang mauupuan.

Aside from the performers she was the only one standing in a corner and being talked about by everyone. No one wants to share a seat with her.

She just looked down and didn't care what was going on, nagpapasoundtrip mag-isa sa nakapasak na earphones sa tainga niya.

"Next, Ms. Corpuz!" tawag pa ng choreo na nag-hahandle sa Dance Club na 'to.

Muling nabaling ang atensyon ng lahat sa kaniya dahilan para mag-angat siya ng tingin sa mga tao sabay alis ng earphone niya. Nilingon niya ang choreo.

Tinuro niya ang sarili niya, naninigurado kung siya na ba ang kasunod.

"Are you Ms. Corpuz?" tanong ng choreo. Tumango si Tomboy. "Then what are you waiting for? Stop wasting time please proceed!" ma-awtoridad na ani ng choreo, naroroon ang pagkastrikto.

Ikinatigil namin nang hindi pa kumikilos si Tomboy.

"ano bang gagawin ko?" pagtatanong nito, dahilan para umugonh ang tawanan ng lahat at ikinangisi ko, ang dalawa kong katabi ay taka rin silang natawa.

"You can do the acting if you want, we need to see your reaction!" I sarcastically said, it was hilarious to see everyone's reaction laughing at her.

Sa pagsasalita ko ay naging dahilan para lingunin niya ako, tulad ng dati walang karea-reaksyon kahit pinagtatawanan na siya. Mukha siyang tanga na nakatayo lang doon, iniisip siguro kung anong nakakatawa.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now