Chapter 127

1.1K 54 13
                                    

Krist's POV

Naimulat ko ang aking mga mata ng may naramdaman akong may ibang tao dito sa bahay bukod sakin, kumurap kurap pa ako ng ilang beses bago kinusot ang mga mata saka bumangon sa pagkakahiga sa sahih na nakasanayan ko ng walang sapin o unan na gamit lang ang bag

Maaga pa lang, humikab muna ako bago bumaling sa lalaking to na kaharap ko lang, kampanteng nakaupo sa couch habang nakikihiram ng libro ko na nagbabasa na naman

Kanang kamay ni LIVE.

Napatingin sya sakin bago sinara ang libro, tinanguan ko sya bago tumayo at naglakad kung saan para kunin ang tuwalya "Pwede mo namang ilapag na lang dyan at umalis na, nakibasa ka pa ng libro ko" ani ko ng makuha ang tuwalya sabay tingin sa kanya na ngayon ay binaba niya na ang libro sabay halukipkip

Bumuntong hininga ako "Buti di mo ko pinatay habang natutulog?" walang emosyon kong sabi na parang inaantok pa

Bumuntong hininga ulit ako, kung kakausapin ko to magmumukha lang akong t*nga di naman nagsasalita kahit kilala ko na sya kahit pa may takip ang pagmumukha nya

"Umalis ka na, maliligo na ko" dagdag ko pa pero nagsalubong ang kilay ko ng sumandal lang sya sa kinauupuan niya pati ang ulo ng di inaalis ang tingin sakin

'Ano bang problema nitong lalaking to?'

Sinampay ko sa balikat ko ang tuwalya saka humalukipkip din na nakasalubong parin ang kilay "Leave or I'll dig into your grave" walang emosyon kong pagbabanta pero naging titig na ang tingin niya sakin at halos magkarugtong na ang kilay ko sa pagkakasalubong

Di ako nagdalawang isip na pasimple kong kinuha ang balisong ko na palaging nasa bulsa ko lang ng di napuputol ang paglalaban ko ng titig sa kanya sabay mabilis na binato iyon sa kanya

Gaya ng inaasahan nasalo niya yun ng papalapit na sa kanya ang balisong at ilang sintemetro na lang ang layo nun sa nuo niya para tumarak yun, pero sa lahat ng sasalo sya ang pinakat*nga, sinalo ba naman sa may patalim at di sa hawakan tuloy may umagas na dugo sa kamay niya na kahit may suot syang itim na gloves ay kita ko parin kaya nginisihan ko sya

Nagantay ako na ibabato niya yun pa balik sakin para makuha ko na pero nagtataka man ng ilapag niya lang ang balisong ko na may dugo niya ay di ko parin nababago ang walang emosyon kong mukha

Tumayo na sya bago magumpisang maglakad papunta sa pintuan palabas, ng buksan nya na ang pintuan ay liningon niya pa ako saka sya nawala na parang bula at di man lang inayos ang pagkakasara ng pintuan

'Tss'

Ako na lang ang nagsara ng maayos doon bago tamad na tamad na kinuha ang iniwan nyang kulay itim na sulat saka binuksan

Ang napag-usapan ay napag-usapan, sa oras na ikaw ay itakwil, yun na ang ang tamang panahon para ang buhay mo'y makitil

Wala lang akong nireaksyon bago tamad na basta na lang nilapag pabalik yun sa lamesa at pumunta na sa banyo para maligo na

"Good morning" nakangiting bati sakin ni Dave labas dimple ng makasalubong ko sya palabas sa locker at bitbit ko si Jasto

Tinanguan ko lang sya bago pumunta sa mga ka banda ko "Yow Krist, musta" bati bi Daniel sakin pero tinanguan ko lang din sya

"Hi Morning" bati naman din sakin ni Elton pero puro tango lang ang tugon ko, may iniisip kase ako na maraming plano "Kumain ka na?" dagdag pa ni Elton kaya napabuntong hininga ko syang tinignan bago tinanguan ulit at nagpatuloy sa ginagawa kong pagtanggal ng case

Mayamaya pa ay nagumpisa na kaming tumugtog at kumanta, habang kumakanta ako ay nakikiramdam parin ako sa paligid ko hanggang sa mapatingin ako sa may gitna at nangunot ang nuo ng makitang titig na titig sakin ng diretso ang pamilyar na lalaking to

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now