Chapter 49

1.8K 102 9
                                    

Alex's POV

"I believe you" natahimik siya sa sinabi ko. Ilang sandali pa bago niya inalis sa ikalawang pagkakataon ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

I also don't understand myself why I'm able to touched her like that. What happened earlier still runs through my mind, I feel like I can still feel her lips sticking to mine.

She crossed her arms and I was about to speak, but I was not given a chance to say it when she just nodded at me and walked away without saying anything.

'F*cking rude. 'di pa nga ako tapos magsalita lalayasan niya na ako'

Hindi ako nagpatinag dahil kaagad ko siyang sinundan na naman at nakita ko na medyo malayo na siya sakin agad. Ang bilis maglakad. Halatang iniiwasan ako.

Napangisi ako ng nakakaloko nang may pumasok na idea sa utak ko. Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kaniya hanggang sa nasa isang sulok kami nitong Parking Lot napadpad.

Huminto s'ya sa paglalakad at lumingon ang ulo n'ya sa akin habang ako ay nakapamulsa lang na mabagal na naglalakad habang nakaiwas ng tingin sa kaniya, kunwari nagmumuni-muni. Tumitingin kunwari sa kung saan, matagal bago siya muling ibinaling ang tingin sa daan at nagpatuloy na lang sa paglalakad dahilan para sundan ko ulit siya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, ang alam ko lang sinusundan ko siya para asarin at titignan kung anong gagawin niya kapag naubusan na ng pasensya.

Natatanaw ko na ang kotse ko dito banda pero 'di naglaon ay hindi ko na ito makita nang patuloy pa rin ako sa pagsunod kay Tomboy dahil lumiko ito ulit hindi ko alam kung saan siya papunta. Binilisan ko pa lalo ang lakad ko habang nagtatago-tago sa gilid-gilid

Nililibot ko ang paningin dito, dumidilim na sa parting ito habang patuloy ako sa pagsunod sa kaniya napaisip ako na, lagi ko silang napapansin na dito lumalabas at pumapasok kapag umaga, kapag rin uwian na.

'What the f*ck is she doing here?'

Ilang sandali pa ikinaistatwa ko sa pinagtataguan ko nang makitang huminto ulit sa paglalakad si Tomboy. Akala ko ligtas na ako pero nagulat na lang ako nang magsalita ito.

"Labas!" sigaw nya dahilan para mapapikit ako ng madiin, para bang nakakasigurado siyang may sumusunod nga sa kaniya. Mahihimigan ang boses niya sa 'di kalayuan.

"Lalabas ka o pupuntahan kita!?" muli nitong sabi dahilan para makaramdam ako ng kaba mula sa dating sa tono ng boses ni Tomboy, kung hindi ako nakatingin sa kaniya, aakalain talagang lalaki ang nagsasalita ngayon.

'F*ck, paano niya nalaman? Ang ganda na kaya ng pagkakatago ko'

Sa kabang dulot ng sinabi niya ay dahan-dahan muna akong sumilip at nang magtama ang aming paningin, para bang alam na alam niya kung saan ako banda nagtago kaya wala na akong takas, lumabas na ako ng tuluyan sa pinagtataguan ko.

'Sh*t, why am I so nervous!?'

Magkasalubong ang kilay n'ya na nakatingin sa akin, nadagdagan ang kaba ko sa pagtabingi ng ulo niya dahilan para matawa ako ng pilit.

"anong nakakatawa?" she said seriously, umiling lang ako sa kan'ya at nanahimik na lang.

"Ba't mo ko sinusundan?" aniya, sa paraan ng pagkakatingin niya ay parang pinag-aaralan niya ako.

"How sure you are that I'm following you?" hindi ako nagpapatinag saka tumayo ng tuwid.

"Nand'on ang kotse mo," turo niya gamit nguso kung saan naka park ang sasakyan ko "bakit nandito ka ngayon wala ka namang ibang madadaanan dito?" she added.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now