Chapter 96

1.3K 77 11
                                    

Dave's POV

Nasa Canteen na kami at nakaorder na rin kaming apat, bilang lang ang tao dito dahil oras pa ng klase, di ko akalaing makakapagcutting ako ng klase ng dahil lang sa babaeng gusto kong makita at makasama parate

"Are you alright?" tanong ko kay Krist dahil kanina niya pa pinaglalaruan ang pagkain niya habang iniisip ko naman kung sino ang may gawa sa mukha niya nyan, napatingin sya sakin at bahagyang tumango bago sumubo ng kinakain niya

Sandwiches lang ang inorder naming tatlo dahil busog pa kami habang Creamy Carbonara, Sandwich, Burger at Green Tea na pinahaluan nya ng honey ang inorder niya

"Babe can you tell us who did that to you?" nagaalalang tanong ni Klyde kay Krist pero naiinis ako sa tuwing tatawagin niya si Krist ng ganon

Di sya sinagot ni Krist sa halip ay umiwas lang ng tingin sabay sulyap kay Alex na kanina pa malalim ang titig kay Krist habang kumakain na seryoso ang mukha na para bang pinagaaralan ang pamumula ng pisngi at dumudugong labi nito

"Tatanungin kita ulit, isang tanong isang sagot sino ang may gawa sayo nyan?" seryosong ani Alex na tinignan sya ng diretso sabay baba ng drinks na iniinom niya

Puro iwas lang ng tingin si Krist at di sinagot ang tanong na nagpatuloy lang sa pagkain dahilan para sabay kaming tatlo na matunong na napabuntong hininga, napahilamos na lang ako ng mukha ko

"Pshh" mahihimigan na naiinis si Alex sa reaksyon niya saka hinilot ang sentido

"Bakit ayaw mong sabihin?" ani ko at tinignan niya ako saglit

"Bakit? Ano bang gagawin niyo pagsinabi ko kung sino ang may gawa sakin nito?" pagtatanong ni Krist at nagkatinginan kaming tatlo, napasmirk si Alex kaya napatingin kami dito

"Girl or Boy, they'll pay for what have they done to you" seryosong aniya dahilan para di na makatingin sa kaniya si Krist, di ko na binawalan si Alex dahil gusto ko rin na pagbayaran nila ang ginawa nila kay Krist

'Wala ba talaga syang balak magsalita? Lagi na lang ba syang magpapaapi? Di ba sya nagsasawang masaktan?'

Ramdam ko na parang kinakabahan si Krist kahit walang nagbabago sa reaksyon niya dahil base sa ikinikilos niya at wala talaga syang balak magsalita

"Kung wala kang balak sabihin samin kung sino, sabihin mo na lang kung anong ginawa nila sayo" ani Alex na nakacrossarm at napasandal sa kinauupuan habang diretso ang tingin kay Krist

Napanganga kami ng biglang tunggain ni Krist ang tsaa niya na para bang di nakakaramdam ng init o napapaso doon para lang syang umiinom ng walang lamig at walang init na tubig dahilan para mapansin ko na nanginginig ang mga kamay niya at mukhang di lang ako ang nakapansin nun kaya mabilis niyang ibinaba ang mga kamay niya

"What do you mean they'll pay for this? Paano ba sila magbabayad?" ani Krist saka niya palang tinignan si Alex ng diretso

Nagtitigan pa sila ng ilang saglit at gusto ko ng mainis sa kung gaano kalalim kung makatitig si Alex sa kaniya

Ipinatong ni Alex ang magkabilaang siko niya sa lamesa para mapalapit ang tinginan nila pero si Krist agad ang umiwas

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko, I'll answer your question if you answer mine first" aniya ng di inaalis ang titig kay Krist

Tumikhim muna si Krist "Bakit ko naman kailangan pang ikwento pa kung anong ginawa nila edi para akong batang nagsusumbong nito sa mga magulang sa nangaaway sakin?" nakangiwing ani Krist

"Psshh sabihin mo na lang kase, kung magmumukha man kaming mga magulang mo edi mas mabuti kase kahit paano maramdaman mong may magtatanggol sayo hindi yung ikaw palagi ang nasasaktan sa huli, tsaka di namin bagay maging magulang mo noh di ko bagay maging magulang mo dahil.... Bagay ako maging asawa mo"pagpoprotesta pa ni Alex sabay ngisi sa kaniya dahilan para magsalubong ang kilay naming dalawa ni Klyde na mapatingin sa kaniya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now