Chapter 60

1.8K 108 8
                                    

Calix's POV

"Come in" ani ng prof namin matapos may kumatok sa pinto at bumukas naman ang pinto saka pumasok ang isang babaeng estudyante na i think sya ang president sa SSG

"Excuse me Miss,sabi ni ma'am Velasquez na pinapatawag po si Mr. Bright para sa Music Club" ani nito

"Ok you're excused" ani prof at tumayo naman ako

"ma'am andyan po ba si Ms. Corpuz?" ani nya at napatingin naman ako kay Krist na classmate ko ngayon subject na napabuntong hininga nalang na para bang alam nya na kung bakit sya pinapatawag

"Ms.Corpuz? "tawag pa ni prof na inilibot ang paningin at parang tamad namang tumayo si Krist dahilan para lihim akong mapangiti, dahil makakasama at makikita ko na naman sya lalo na't maririnig ko na naman ang magandang boses nya

Habang naglalakad kaming dalawa ay di ko maiwasang tignan sya lalo na ang blanko nyang mukha at di ko rin alam sa sarili ko na mukhang naeexcite ako

Naagaw ang atensyon nilang lahat dito ng buksan ko ang pintuan at pinaunang papasukin si Krist na napatingin pa sya sakin na mukhang ipinagtaka pa nya pero sa huli ay pumasok narin sya, nilibot ko ang aking paningin at nahagip nun ang groupo nila Cindy at si Stephanie

"Hi Calix" sabay sabay pang bati ng iilan sa mga babae dito pero pilit ko lang silang nginitian habang sila ay impit naman na nagtitilian habang nginitian din ako ni Mrs.Velasquez dahil isa ako sa mga pipili kung sino sino ang deserve na mapasali sa Music Club na to bukod sa magpapractice din kami ng ipeperform naming ka bandmate ko para sa intramural

Umupo na ako sa tabi ni Mrs.Velasquez at saka na nagumpisang magperform ang iba para sa contest na 'Look a Like Voices'

'mukhang alam ko na ang isa sa mga kukunin ko hehe' napangiti na lang ako sa isip ko at di ko maiwasang mapasulyap kay Krist na ngayon ay nakapamulsa lang at nakapandekwatrong nakaupo, pansin ko rin na hindi nya gustong mapasali dito dahil parang wala syang pakialam at nakapikit lang ito habang may nagpeperform sa harap

Ang iba ay medyo parang pilit lang ang boses nila na ginagaya ang artist na kumanta nun, habang ang iba ay dinadaan sa pakendeng kendeng at hataw sumayaw pero di nagfofocus sa paggagaya ng boses, ng si Cindy na ang magperform ay back up nya ang mga kasama nya palagi, maganda naman ang boses nya pero parang sa paraan nya ng pagkanta at panggagaya ay inaakit nya ang mga kalalakihan na andito pero not me

Pagdating kay Steph ay hindi na lalayo ang pagperform nya kay Cindy dahil halos pareho din sila ng ginagawa at paggalaw

At sa wakas ay magpeperform na rin ang pinakainaantay ko, ng tinawag na sya ay saka palang sya dumilat at nakapamulsang naglalakad at pansin ko rin sa paglalakad nya ay di na sya nahihurapan

'ang bilis naman ata?'

"Ok so sinong artist ang gagayahin mo ngayon and anong kanta?" tanong ko sa kanya na nakangiti na parang naeexcite talaga ako marinig at makita sya magperform

Gosh girl, look si Calix ngumingiti sa poor na yan

Yuck wag nyang sabihin type nya yan eww

Girl baka ginayuma nya si Calix

Narinig kong may nagbubulungan na sa tingin ko ay sila ang bumati sakin kanina at mukhang fans ko ang mga to pero wala akong paki at sinamaan sila ng tingin dahilan para huminto sila sabay kanya kanyang iwas ng tingin

"Honestly......di ko alam ang ipeperform ko" ani nya at narinig ko pa ang ilan sa mga tumatawa na pilit pinipigilan at may nagbubulungan din na mukhang pinagkakaisahan sya kaya inilibot ko ang paningin ko at isa isa silang sinamaan ng tingin dahilan para manahimik sila

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now