Chapter 67

1.6K 84 18
                                    

Dave's POV

Meeting Room

Walang nagsasalita samin dito at di nagtatapunan ng tingin habang inaantay namin si Krist

May kakaiba na talaga akong napapansin sa mga kaibigan ko sa tuwing nakakasama o nakikita namin si Krist lalo na nung nangyari sa parking lot ng restaurant and then ngayon naman yung nangyari kanina

'Mukhang marami akong magiging karibal nito'

Napatingin kaming lahat doon sa nagbukas sa pintuan at iniluwa doon si Krist na as usual blanko lang ang mukha

"Take a sit" ani ko at naupo naman sya sa dulo

"Anong kailangan niyo?" ani nya at kampanti lang nakaupo habang nakapamulsa

"dideretsuhin ka na namin" ani Herbie at tumango naman si Krist

"May kakilala ka bang nagngangalang LIVE?" tanong ni Ranz na mukhang kanina pa naku-curious

Napatingin ako kay Krist na mukhang natigilan siyang napatingin kay Ranz

'anong reaksyon yan? May kinalaman ka ba dito?'

Bumuntong hininga si Krist na napapikit pa at tinignan kami isa isa saka napayuko na para bang di niya alam kung papaano sasagot

"Oo" ani niya at di ko alam kung bakit ako kinabahan sa sagot niya, nagkatinginan kaming magkakaibigan na para bang naghihinala ang iba sa kanila kay Krist

"Kung ganon kaano ano mo siya? Papaano mo siya nakilala? Kailan? Saan?" sunod sunod na tanong ni Alex sa kaniya at nakita ko na napalunok si Krist at di makatingin samin

Nagtaka naman kami ng bigla siyang tumingin samin ng diretso sabay ngisi, di ko alam pero may kakaiba sa pagngisi niya yun, parang sa mga oras na to ay kakaibang Krist ang nasa harapan namin ngayon

"Siya? Siya ang papatay sa'yo" ani niya na nakangising nakatingin kay Ranz at ikinagulat namin, mas lalo lang kaming naguluhan sa mga sinagot niya

"Hindi pala sayo lang...." pagpatuloy pa niya at tinignan kami lahat isa isa

"kundi kayong lahat" sabi niya sabay ngisi, parang sa mga oras na yun ay parang nagbago ang pagtingin ko kay Krist, ang Krist na matagal ko ng gusto, hindi ako makapaniwala na may itinatago pala siyang kakaibang katauhan na hindi namin inaasahan

"What do you mean?!" ani Ranz na seryoso at galit nang napatayo sa kinauupuan niya pero ngisi lang ulit ang naisagot ni Krist

"K-Krist alam mo ba ang sinasabi mo?" nauutal kong sabi dahil para akong masisiraan ng bait sa Krist na kaharap namin ngayon

"Of course" naging seryoso ang mukha niyang diretsong nakatingin sakin sabay crossarm

"Sino ka ba talaga ha?!" naiinis na sabi ni Ranz na masamang nakatingin kay Krist.

"Akala ko mabuti kang tao, yun pala sinungaling ka! Bakit mo kilala ang LIVE na yun? Kaano ano mo siya ha?!" dagdag pa ni Ranz na mataas ang tono ng pananalita pero pilit niyang pinapakalmaang sarili niya

Nginisihan lang siya ni Krist dahilan para magkuyom ang kamao ni Ranz pero pinipigilan niya ang sarili niya

"Ranz enough, baka mali lang ang pagkaintindi natin let her explain first "kalmadong sabi ni Alex pero may diin ang salita niya at seryosong nakatingin lang kay Krist

Napatingin ako ulit kay Krist ng natawa siya ng bahagya" Krist.. Ikaw ba tagala yan? "ani ko na pinilit kong magsalita

"Magulat ka kung makita mo ang doppelganger ko" may pagkapilosopo niyang tugon dahilan para matahimik ako sa kinatatayuan ko dahil ibang iba siya ngayon.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now