Chapter 97

1.2K 70 2
                                    

Third Person's POV

Nagising sila Krist ng may pumukpok sa rehas ng kulungan, nangunot pa ang nuo ni Krist dahil nasisilaw sya sa liwanag na tumatama sa mukha niya saka niya napansin na umaga na

"Si Ms. Corpuz daw kuno" pagtatawag sa kanya pero di sya sumagot sa halip ay dahan dahan syang bumangon sa pagkakahiga sa sahig na para bang di nakakaramdam ng sakit sa katawan habang nakatingin sa kanya ang mga kasama niya sa loob na mga kababaihan

Humawak sya sa pader para makatayo sya ng maayos dahil sa tingin nya ay may bali sya sa paa niya ng bugbugin sya kagabi

Sinusundan lang sya ng tingin ng mga babae habang naglalakad papuntang labasan sa kulungan, ng makalabas na ay tinignan pa sya ng pulis na nagbukas ng kulungan mula ulo hanggang paa saka napailing na napa tsk, tsk, tsk na lang dahil sa itsura ngayon ni Krist saka tinignan ang mga kababaihan sa loob na nagkanya kanyang umiwas ng tingin

Sinara na ang kulungan at kinandaduhan ng pulis yun habang si Krist ay nilibot ang tingin sa labas ng kulungan na medyo nasisilaw pa saka humikab na para bang kalmado lang at walang pakialam sa sugat, bugbog at pilay niya dahil nagawa niya pang nakapamulsa habang naglalakad na sinusundan ang pulis

Napatayo sila Alex kasama ang mga kaibigan niya na kumpleto sila kasama si Nickie maliban kay Gabriella na di sumama ng makita si Krist na walang pinagbago sa reaksyon pero may pinagbago sa itsura at ayos niya ngayon

Magulo ang buhok niya maalikabok ang uniform niya putok ang labi may mga bangas sa pisngi may mga pasa sa mga paa habang bahagyang nakakinto sya sa kanang paa dahil doon ang pilay niya

"Krist!" sabay sabay nilang sabi maliban kay Alex na nakatingin ng masama sa pulis na sumundo kay Krist, nakakuyom ang kamao at sa tingin palang parang pinapatay niya na ang pulis ng makita ang itsura ngayon ni Krist

"Anong nangyari sayo?" nagaalalang ani Dave saka nagmamadaling lumapit kay Krist at tinignan ang kabuuan niya

"Bat nandito kayo?" walang emosyon niyang sabi na di sinagit ang tanong ni Dave, si Nickie naman ay naluluha na namang lumapit kay Krist saka ito niyakap

"Aray t*ngina masakit" reklamo pa nito dahilan para mapakalas sa pagkakayakap si Nickie saka umiiyak na tinignan si Krist at inalalayan itong maupo habang paika ikang nagpaalalay si Krist, para kay Krist di pa sya nasasaktan nun sinabi niya lang yun dahil ayaw di talaga sya sanay sa mga yakap

Napalunok sa kaba ang pulis na sumundo sa kanya ng sunggaban sya ni Alex sa pagkakakwelyo na pabiglang isinandal sa pader at inaawat sya ng ibang pulis pero di sya nagpatinag

"F*ck! Anong ginawa nyo sa kanya?! Ipapakulong ko kayo! Alam nyo bang pwede kayong makulong sa pananakit sa kanya ha?! Mga pulis kayo pero kayo mismo ang na nanakit sa inosenteng tao!" galit na galit na ani Alex habang nanginginig ang kamay na nakakuyom na nakakwelyo sa pulis habang pinagtitinginan na sila ng mga tao na andito

" Mr. Williams kumalma kayo"pagaawat na ani ng isang pulis at ngayon ay limang pulis na ang umaawat sa kanila pero di parin nagpatinag si Alex na halos mapunit ang uniporme ng pulis na kinikwelyuhan niya kaya nakiawat na rin sila Klyde, Mike at Calix habang ang iba ay nanonood at nagaalalang napapatingin kay Krist na hanggang ngayon ay parang walang pakialam at boring na nakikinood lang

" F*ck y'all paano ako kakalma kung ganyan ang ginawa niyo sa kanya!" galit na galit na ani Alex sa mga pulis

"Wala kaming ginawa sa kanya" ani ng pangatlong pulis sa kanya

"What the f*ck?! So ano sa tingin niyo ang nangyari sa kanya nakikipaglaro ng bugbugan tapos kung sinong matalo pagtutulungan bugbugin ganon ba?! ha?!" galit na galit na tugon pa nya habang tinuro si Krist ng maawat sya ng mga kaibigan nya

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now