Chapter 114

1.3K 72 0
                                    

Krist's POV

Gabi na ng makauwi ako sa bahay, nagpadischarge na rin ako sa hospital dahil namimilit ako kahit ayaw akong payagan nila tukmol kung di ko pa kailangan ma discharge pero ng umakto akong nagtatampo kunware ay pumayag na din sila kahit naiinis ako sa sarili ko dahil nakakadiri ako umarte tuloy ay kulang na lang masapak ko ang sarili ko, di ko alam kung paano ko sila napapayag ng tignan ko lang sila ng diretso na may malungkot kunwaring mata habang kunot ang mga nuo

'T*ngina sa tingin ko ang pangit ko lalo tignan nung nagdadrama drama ako'

di ko naman kase kailangan magdrama kung kaya ko namang lumabas ng magisa ng walang kahirap hirap na magpa discharge ng di hinihintay ang salita nila

'Tss, ano bang nangyayari sayo Krist bat nagpapaniwala ka sa mga mokong na yun na akala mo naman mga kuya ko silang napakastrikto at overprotective masyado bwesit!'

Tahimik sa loob na nakasanayan ko na, nakabukas na naman ang ilaw samay sala na sa tingin ko ay nanggagaling yun sa TV, binuksan ko na ang pinto dito sa bahay at nakita na medyo nagulat pa dahil bumalik sa makalat dito, may mga butilyang alak pa sa lamesa, ng lumapit ako sa may couch na nakatalikod sakin ay nakita kong tulog na tulog ang stepfather ko na mukhang lasing ito

Umikot ako para nasa may harapan ko na sya, bahagya akong yumuko saka inabot ang nuo nya na hinawakan ito, naramdaman kong mainit na naman masyado ang temperature nya

'Bakit ba napapadalas ang lagnat nya? Lagi na rin syang namumutla, pero alam ko tumigil na sya sa paginom araw araw, bakit ngayon umiinom na naman?'

Bumuntong hininga na naman ako saka hinawakan ang braso nya at bubuhatin sana ng bigla magmulat ang mga mata nya kaya otomatiko akong napabitaw na biglang kinabahan dahil naistorbo ko sya sa tulog nya, mabuti na lang at tinatanggal ko muna ang relo ko kapag pumapasok na ako sa malademonyong bahay na to

Aalalayan ko sana sya ng pilit nyang binangon ang sarili nya sa pagkakahiga pero natakot ng samaan nya ako bigla ng tingin kaya napaatras na lang ako at hinayaan syang bumangon magisa

"Hoy p*tangina mo bakit ngayon ka lang ha?!" nanindig ang mga balahibo sa gulat dahil bumalik sya sa dati na kung saan araw araw akong pinaparusahan

'Siguro lasing lang sya kaya bumalik na ang pagkademonyi nya'

"Alam mo bang di ako nakakain buong araw na to pati kagabi ha?! G*go ka ah balak mo ba akong patayin sa gutom?!" aniya na pilit tumatayo para sugudin ako pero sa kalasingan ay napaupo na lang sa ulit sa kinakaupuan na pabagsak

Bigla kong naalala na naligaw pala kami nung araw na yun ni Klyde, kagabi naman ay yun ang araw na dinala kami sa hospital kaya di ako nakapagdeliver ng pagkain para sakanya, kanina naman ay dahil sa byahe pauwi na medyo na traffic pa

'May mga pagkain naman sa ref, naggrocery ako ng marami nung nakaraang araw pa bago ang school trip, pwede naman syang magluto kung di ako nakadeliver'

Gusto ko sabihin yun pero baka sabihin nya sumasagot pa ako kaya pinili ko nalang na manahimik

Sa tuwing kaharap ko ang taong to pakiramdam ko ay wala akong kapangyarihan, wala akong lakas, pusang gala at walang kalaban laban, at higit sa lahat alipin lang

"Hoy p*nyeta lumapit ka nga dito dali!" utos nya pa ng di makasugod sakin

Bumuntong hininga na lang ako dahil lalo syang magagalit kung di ako sumunod, siguro kapag di na sya lasing baka matino na naman sya kinabukasan

"P*ta bilisan mo!" aniya saka ako dahan dahang lumapit na nagdalawang isip pa at kinakabahan ako sa kung anong pwedeng gawin nya kaya ganon na lang ang pipigil ko sa hika ko

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now