Chapter 26

1.8K 88 0
                                    

Calix's POV

Nagrinig namin na umiingay na naman ang Canteen dahil sa mga babaeng nagtitilian dahilan para mapatingin kaming lahat sa entrance ng Canteen at bumungad sa amin si Dave.

Nginitian n'ya lang ang mga babaeng nagtitilian, napatingin s'ya sa gawi nila Ken at napangiti matapos makita si Ken na may kasamang babae sa isang table. Kung hindi ako nagkakamali, transferee rin ang babaeng iyon at Nickie ang pangalan.

Pumunta si Dave sa counter para magorder ng makakain.

Matapos mag-order ay akma na s'yang lalapit sa gawi nila Ken ng napahinto s'ya at napatingin sa table namin. Sinulyapan lang kami.

Nagpaalam muna ako saglit sa mga kaibigan ko na magsi-CR. Tinanguan ako ng ilan, maliban kela Ranz at Herbie, 'di siguro ako narinig dahil nagkukulitan na naman ang dalawang kolokoy, habang ang ibang kong kaibigan ay natatawa lang sa dalawa, saka lang napatingin ang dalawa sa akin ng tumayo na ako.

"Where are you going, dude?" tanong ni Ranz.

"Sa Cr bakit, sama ka?" tugon ko sa kanya na ikinatawa ng mga kaibigan ko. Nginiwian ako nito saka lumabi.

"What the heck? Of course not! I'm just asking" pagpoprotesta pa nito sa akin.

Kaagad naman s'yang inaasar ni Herbie na ah, bakla, bakla, bakla, dahilan para magtawanan na naman kami, 'di talaga matapos ang araw na hindi kami nakakatawa dahil sa dalawang isip bata na 'to lalo na pagnagsama sila.

Umayos na ako sa pagkakatayo at naglakad na paalis sa Canteen. Kita ko pa na napatingin sa akin si Dave pero isinawalang bahala ko na lang iyon bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang banyo.

Naghuhugas na ako ng kamay at saka naisipang lumabas na matapos kong maka-ihi.

Napagdesisyunan kong 'wag muna pumunta ng Canteen at pumunta sa garden dito sa school para makasinghap ng preskong hangin.

Naglilibot libot na ako dito sa garden at nilalanghap ang mga sariwang hangin.

Sa paglalakad ay napahinto ako nang makarinig ng tunog ng guitara sa 'di kalayuan.

Nag-umpisa muli ako sa paglalakad, hinahanap kung saan nagmumula ang tunog na iyon.

May natatanaw akong tao na nakaupo at nakasandal sa ilalim ng puno, naggigitara. Napansin ko ang kaliwa n'yang kamay na may bandage. Mukha nahihirapan sa paghawak sa kaliwang gawi nya.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasuot sya ng hood at mukhang nakacap pa ng black.

'His or maybe.. Her back and clothes looks familiar to me... Si Krist ba 'to? So... she knows how to play guitar?'

I'm not really sure if si Krist nga ito dahil hindi ko makita ang mukha nito, isa pa, hindi ko memoryado ang suot ni Krist kanina, ang tanging alam ko lang, s'ya lang ang nagsusuot palagi ng hoodie sa Campus na ito, dahil karamihan dito ay naka uniform.

Hindi ko muna nilapitan at nakatayo lang ako sa likuran n'ya na may kalayuan sa kan'ya at nasa bandang kaliwang side n'ya ako. Pamilyar din sa akin ang tinutugtog n'yang kanta.

Two am....where do I.. begin...

Crying off my face.. again...

The silent sound of.. loneliness..

Sa unang liriko na pagkanta n'ya ay malalaman agad na talagang maganda ang boses n'ya, kahit may pagkalaki ito at mapaos, ang husky na boses n'ya ay lalong nagpaganda sa kanta, kahit pa mataas na boses ang original na tono ng kanta, nagiging unique ito pakinggan sa lalim ng boses n'ya.

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now