Chapter 131

935 55 23
                                    

Krist's POV

Nagpatuloy lang ang panliligaw nila sakin hanggang sa umabot na ang araw ng 2nd quarter exam

Tulad ng dati ay naka alphabetical order parin kami pero itong si Tukmol may sariling batas dahil katabi ko na naman ang g*go

Sa di sinasadya ay nasagi ko ang pantasa ko kaya nahulog yun at napatingin silang dalawa sakin sina Calix at Tukmol, akma ko ng pupulutin yun ng "Sit properly Ms. Corpuz" ani ng nagbabantay samin ngayon na masyadong strikto tuloy ay di ko tuluyang nakuha ang pantasa ko

Napabuntong hininga akong umayos ng upo saka pasimpleng kinuha ang balisong ko at yun ang ginawang pantasa dahil naputol kase ang dulo ng graphite ng lapis ko ng akma ko na sana pupulutin yun

Lapis muna ang ginagamit ko para kung may mali madali na lang mabura at mamaya ko na papatungan ng ballpen tutal mabilis naman ako matapos, mahaba pa ang oras ko

"Krist/Jaspher "sabay nilang tawag sakin sa mababang boses, napatingin ako sa kanila na napahinto sa pagpapatalim ko sa lapis ko gamit ang balisong

Sabay nilang pasimpleng nilapag ang mga pantasa na nakatinginan pa sila saka tumingin sakin na parang nagaantay kung asan ang pipiliin ko doon

"Tss" mahina kong sabi saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko na wala akong pinili doon, baka ano pa kaseng mangyari

Natapos ako sa kakatasa ng lapis ko saka binalik sa bulsa ko ang balisong ko ng walang nakakapansin at nagpatuloy na sa pagsagot

Natapos ang exam at saka ko palang iminulat ang mga mata ko dahil natulog muna ako ng mauna na naman akong matapos, kinuha ko na ang nahulog kong pantasa

"Jaspher..." tawag sakin ni Tukmol. Binaling ko sya

"Don't used that f*cking butterfly knife again" aniya na lumapit pa sakin at hininaan ang boses niya

"Tss.... What if I want to?" ani ko habang nagliligpit ng gamit ko

"Then I'll kiss you" pabigla akong napatingin sa kanya at napakurap ng ilang beses bago ako sininok

d[- -,]b

Nginisihan niya ako, napatingin ako sa kabila ko ng inabutan niya ako ng tubig, sinenyasan niya akong kunin yun

Mukhang bago pa naman yun kaya kinuha ko na saka binuksan at uminom doon

"Where did you get that bracelet?" mayamaya ay tanong ni Tukmol

Kumakain kami dito ngayon sa isang restaurant dahil araw niya ngayon, napatingin sya doon sa suot kong bracelet na binigay ni Mike nung araw na pumunta kami doon sa Zoo

Ilang araw na ang nakalipas ng matapos ang exam at lumabas ang results nito. Ilang linggo na rin nila akong nililigawan

"Nilagay ni Mike" tipid kong sagot saka uminom ng tubig

Kita ko ang pagkunot ng nuo nyang nakatingin sa bracelet na suot ko "Obviously" aniya na siguro ay nakita niya ang nakasulat doon na pangalan ni Mike, na sya mismo ang nagpalagay na Mikey

"Remove that" napahinto ako sa pagsubo saka napatingin sa kanya bago bumaling sa suot ko na yun

"Bakit?"

"Just remove it. I don't want to see that"

"Tss" binaba ko ang kutsara ko saka binaba ang sleeve sa jacket ko para matakpan yun

Baka kase kapag tinanggal ko yun magagalit yung isa at baka magkarambulan pa sila, ayaw kong mangyari yun. Ayaw kong may nangyayaring gulo ng dahil sakin

I Just Want to be Happy [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon