Chapter 77

1.6K 89 4
                                    

Third Person's POV

Nang sa mga oras na iyon ay napagdesisyunan nila sa loob ng meeting room ay walang manood sa mga laro ni Krist maliban na lang kung kasama sila sa contest na yun

Sa una ay ayaw pang pumayag ng iba lalo na si Alex pero sa huli ay nagdadalawang isip man ay pumayag na lang ito dahil nasabi na lang niya sa isip na gusto niyang makita kung paano maglaro si Krist o kung saan pa ito magaling at higit sa lahat ay gusto niya itong supportahan

Ilang oras pa silang nandoon sa loob ng meeting room dahil pilit nilang hinahanap ang panibagong tracking device na nakadikit sa itim letter pero nabigo sila kakahanap doon dahil wala ni isa sa kanila ang nakahanap ng tracking device sa death threat ni Mike kaya pati pictures ay chineck na rin nila pero walang makikitang nakadikit na tracking device doon, sa huli ay naisip nila na baka walang nakalagay ng ganoong bagay sa death threat na yun

Hindi nila pwedeng itapon o sunugin ang mga natatanggap nilang ganoong uring bagay dahil pwede nilang gawing matibay na ebidensiya kapag pinaalam na nila ito sa mga pulis
.
.
.
.
.

Nagumpisa na ang game nila Krist sa badminton at nakasuot siya ng ganito

Habang nagaantay si Krist ng turn niya sa laro ay nagbabasa siya ng libro kahit maiingay sa paligid niya, nakasuot siya ng headset habang nagbabasa at pasimple siyang tumitingin sa paligid na para bang nagmamasid, nasa dulong upuan din siya nakaupo kasama ang iba pang representatives sa badminton

Nang si Krist na ang maglalaro ay sinara niya na ang libro saka nilagay sa loob ng bag niya na lagi niyang bitbit kahit saan mapunta, di niya inalis ang headset niya habang nagpapamusic, nakapamulsa ang isa niyang kamay habang naglalakad papunta sa pwesto niya at hawak niya sa kanang kamay niya ang raketa niya

Kahit nagpapamusic si Krist ay naririnig niya pa rin ang mga estudyanteng nagchicheer sa kanya pero di niya iyon pinapansin na para bang wala siyang pakialam kung sino sino ang mga nagsusuporta sa kaniya, kahit di siya lumingon ay malakas ang pakiramdam niya na wala doon ang group ni Alex at mas lalong wala ang mga kaibigan niyang di niya tinuring na kaibigan

Nasa iisang pwesto lang si Krist habang pinaghahampas ang shuttlecock na nakapamulsa lang na animo'y naboboringan sa laro na yun habang ang kalaban niya ay pawis na pawis at halos magkandarapa sa kakahabol ng shuttlecock sa bawat hampas niya

Sa huli ay lamang na naman siya at simula umpisa ng mga laro na nasalihan niya ay siya ang nananalo kaya ganon na lang siya kakilala sa buong Campus lalo na ang ibang mga school na napapahanga niya, ang ilan sa mga nakakalaban niya ay halos ayaw siyang maging kalaban pero wala silang magagawa dahil sa huli ay magtutuos parin sila ni Krist

Last sport na, ang soccer, sa totoo lang ay kaunti lang ang sumali sa sport na to sa SBWA dahil ang iba sa mga ka team ni Krist ay napilitan lang sumali at di marunong dahil nahihirapan sila sa sports na to.

Bilang lang sa iisang kamay ang mga marunong sa sports na to kasama na roon si Krist na ang position niya sa larong iyon ay Goalkeeper kaya nakasuot siya ngayon ng gloves, at lahat sila na member ay may kneepad at elbow pad for safety pati na rin sa ibang sports na nasalihan niya ay ganon din

Nakapwesto na ngayon si Krist sa Goal at mas lalo na namang naghihiyawan ang mga tao ng makita siyang kasali na naman siya sa laro na yun na mas lalong ikinahangga nila ng malaman na kasali siya sa lahat ng events

Nasabi na lang iyon ni Krist sa isip niya dahil wala naman siya doon kung di dahil kay Alex at kanina pa rin nakakaramdam ng pagod si Krist na halos di na siya kumain.

Sa katunayan ay tatlong araw na siyang walang kain di lang dahil sa stepfather niya noong nakaraang linggo which is schedule niya yun sa paglalaba.

I Just Want to be Happy [Completed] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora