Chapter 71

1.7K 86 2
                                    

Alex's POV

Nagbiro lang ng nagbiro ang MCEE o sa madaling salita ay in-entertained niya kami siguro dahil nagriready pa ang susunod na magpeperform

"Ok so muli nating matutunghayan ang magagaling at nakakaindak ang mga sayaw nila aaanggggg!! Ddaannccee Troupe!!" ani ng MCEE at namatay na naman ang ilaw saka sunod sunod na bumukas ito at ng sumindi na ang ilaw ay nasa stage na ang Dance Troupe

Nasa gitnang harap si tomboy habang nasa magkabilang gilid niya sina Herbie at Ranz, naka pwesto na rin sa likuran at gilid nila ang ibang member ng Dance Troupe at puro itim na ngayon ang suot nila

Naka cap din sila ng itim lahat, jogger pants na black, coat na black at black na t shirt ang suot ng mga lalake, tinignan ko pa sila isa isa pero napansin ko ay walang babae maliban kay tomboy na pareho ang suot niya sa kanila, siguro bagay sa lalake ang galaw sa sayaw na to

Naghiyawan ang mga tao at rinig na rinig ko ang iba sa kanila ay sinisigaw ang pangalan ni Tomboy na mukhang may Fans na rin sya

Sa unang galaw pa lang ay mas lalong umingay at nakakabingi, sa unang galaw nila ay parang silang nagi-slow motion sa paglalakad at di maitatago ang swabe sa galaw nila na halos pare pareho

"She's really great!" rinig kong sabi ni Mike kaya napatingin ako sa kanya at ganon din sya sabay ngisi sakin, ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa harapan

Di nalalayo ang galaw ni tomboy sa galaw nila pero mas astigin ang galaw niya at ang smooth niya sumayaw na para bang with feelings

Ang mga tao dito ay enjoy na enjoy sa panonood at walang sawang naghihiyawan at nagpapalakpakan

"Now, I think I like her" wala sa sariling sabi ni Klyde na nakangiti dahilan para gulat kaming mapatingin sa kanya na pare parehong magkakasalubong ang kilay maliban kay Ken na mukhang walang narinig at nanonood lang

"Don't you dare" sabi ni Dave ng may pagbabanta sa tono

"What?" natatawa pang sabi ni Klyde sa kanya "Sinabi ko lang na gusto ko siya may masama ba dun?" dagdag pa niya

"Oo " ani Mike naman at napatingin kami sa kanya

"Ahm why?" nagtataka pa nitong tanong "C'mon dude even though masama syang tao siya, I like her personality..... A bad*ss girl" ani pa nito na mas lalong ikinasalubong ng kilay ko

"Hindi sya masamang tao!" napalakas kong sabi pero di namin naagaw ang atensyon ng mga tao dahil na rin siguro sa ingay

"At paano mo naman nasabi? Sya na nga mismo nagsabi ehh" pagpoprotesta pa ni Klyde

"No, I trust her, she's not like that, alam kong di niya kayang maging masamang tao" ani naman ni Dave

"Paano mo nasabi?" tanong pani Klyde

"Mas matagal na panahon kong nakilala si Krist kaya alam kong di sya masamang tao, siguro dahil may dahilan lang siya" ani Dave at tama nga kami ng iniisip pero napansin ko sya na medyo nainis at disappointed sya kay tomboy sa mga oras na umamin si tomboy, ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa harapat nanood na lang

Nagi-switch sila ng mga pwesto pero kahit ganon ay di ko maalis ang tingin ko kay tomboy dahil parang ang sarap niya lang panoorin magdamag at di nakakasawa ang mga galaw niya na kahit babae sya ay nagagawa niyang makipagsabayan sa mga galaw ng mga ka dance mate niya

Mayamaya pa ay nagmistulang minions ang sounds dahilan para lalong matuwa ang mga manonood at di ko rin maiwasang mapangiti na para bang sa mga sandaling nakikita ko magperform si tomboy ay sandali ring tumitugil ang takbo ng oras at parang kami lang ang dalawa sa loob ng mala Arena na to

I Just Want to be Happy [Completed] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt