Chapter 117

1.1K 71 1
                                    

Alex's POV

Di ako makapakali sa higaan at paiba iba lang ng pwesto hinahanap ang antok ko, ayaw ko pa sanang umuwi dahil gusto ko lang bantayan si tomboy doon lalo na at nagaalala kami dahil di nya kami kinakausap o di man lang kami matignan pero pinapauwi na ang mga kaibigan ko sa parents nila habang pinapauwi naman ako ng mayordoma namin na nagbabantay sakin kapag wala ang parents ko


Naiisip ko kung bakit kahit inaabuso at sinasaktan na sya ng stepfather nya ay nagawa nya pa kaming awatin at yakapin ang demonyong yun

'Why?..... Why the f*ck does she still cares about that f*cking demonic man?!, F*ck Jaspher why are you ignoring us after helping you? Is she mad at us? Or is she mad at me? god d*mn it! '

Sa kakaisip kay tomboy ay nakatulugan ko na lang ito

Maaga akong bumangon para mabisita ko na si tomboy, hanggang sa pagligo ay di maiwasang isipin ko parin sya

' Kumusta na kaya sya? Nakatulog ba sya ng maayos? Gising na ba sya? Baka hindi pa sobrang aga pa eh, siguro naman kapag binisita ko sya sa ospital andoon parin sya? Baka kase mamaya mabalitaan ko na lang naka discharged na pala sya'

Ng matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako para kumain, dahil nga maaga pa ay di ko pa nakikitang ang mga maids namin na nagaasikaso ng kanya kanya nilang trabaho

Medyo nabigla pa ako ng makita ko ang mayordoma namin na nagluluto ng breakfast kaya pala nakakaamoy ako ng mabangong pagkain "Oh aga mo ata senyorito?" she said when she saw me

Naupo na ako sabay kuha ng phone ko habang nagpatuloy naman sya sa pagluluto "Yeah, I'm going to visit someone" ani ko habang nagkucompose ng message kay tomboy

Oiy how are you?

'No. No. No. Delete. Delete'

"Sino at saan naman?" ani ng mayordoma namin at sinulyapan ko lang sya saglit bago ibinaling ang tingin sa phone ko

Did you eat already?

Delete. Delete

How was your sleep Jaspher?

Delete....

'F*ck ano bang sasabihin ko?!'

Oiy are you up now Jaspher? If you are please text me back, I'm f*cking worried about you, I miss you so f*cking bad———

" Sinong Jaspher?" muntikan ko ng mabitawan ang phone ko ng magulat ako ng magsalita ulit ang mayordoma na nasa gilid ko na pala at sinisilip kung anong ginagawa ko sa phone kaya nagmamadali kong tinakpan ang phone ko

"Nay naman di ka po dapat nagbabasa ng message" ani ko habang tinatakip takip pa ang phone ko dahil sinisilip silip nya ito

Nabigla pa sya ng tinawag ko na sya ulit ng Nay na yun ang tawag ko sakanya nung maliit pa lang ako at sya palagi ang nagaalaga sakin kapag wala sina mommy pero nahinto lang ang pagtawag ko sa kanya ng ganon magmula ng mag rebelde ako

"Patawad po senyorito ako'y nakuryoso lamang" aniya na mukhang di parin makapaniwala sa na tawag ko sakanya "Bago nyo po bang kaibigan iyan?" nakangiti nya ng sabi na sinilip na naman ang phone ko kaya di ko namalayan na napindot ko na pala ang send kaya ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sabay higop ng hininga ng makita ang message ko

d[°_°']b

'F*ck. F*ck. F*ck!! What if she'll get mad kapag nabasa nyo kung gaano ka corny yung na send ko?! Wtf!'

"Nay naman eh!" naiinis kong sabi sabay baling sakanya na di sinasadyang mapataas ng boses dahilan para mabigla pa sya na napaatras pa sa kinatatayuan

I Just Want to be Happy [Completed] Where stories live. Discover now