Second Version Prologue

547 15 0
                                    

Disclaimer: This is work fiction. Names, characteristics, business, place, events, locales, and incidents are either the products of author's imagination or used in fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidentsal.

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄:

Napakaperpekto ng pamumuhay niya. Halos lahat ay kinaiinggitan siya dahil halos lahat ng swerte ang napunta sa kaniya. Gwapong mukha, talento, talino, yaman at kabaitan ay napunta na sa kaniya. Nasa kaniya na rin ang perpekto at masayang pamilya. Masayang kaibigan at totoo. Wala na siyang mahihiling pa at masaya siya... pero ang lahat ng 'yan ay magbabago. Magbabago dahil sa aksidente na hindi niya masabing aksidente nga ba o sinadya. Ang masayang buhay niya ay naging boring at walang kwenta na sa kaniya. Mas gusto niya ng manatili sa laboratory niya at do'n magmukmok habang buhay pero kailangan niyang mabuhay mag isa para magpatuloy ng sinumulan ng pamilya niya na ngayon ay siya na lang mag isa at 'yon ang nagtulak sa kaniya na gumawa ng isang machine o robot na parehong pareho niya. A second version of him and the name is Sevi. Lahat lahat ay pareho sa kaniya, isip at puso, katawan at itsura.'Yon ang magpapatuloy ng dating buhay niyang masaya habang ang tunay na buhay niya ay mananatiling umiikot sa kaniyang laboratory.
Si Sevi ang mag aaral, magtatrabaho at mamumuhay bilang dating Luxzell. Pero ang hindi inaasahan ni Luxzell na si Sevi ay mahuhulog din sa babaeng gusto niya, si Axquecia. Ang lalong nagpahirap ng sitwasyon niya ay ang nagustuhan ni Axquecia ay si Sevi, the second version of him, the old version of him.

Handa ba siyang humarap kay Axquecia at aminin na machine niya lang ang nagustuhan nito?

Handa ba siyang ishutdown si Sevi na naging kaibigan niya rin no'ng araw na malungkot siya at walang ibang makasama?

-----
"S-si Sevi ay second version ko.Machine lang siya at sa talino kong 'to nakalimutan ko na nakarecognize pala ang puso ko sa kaniya...puso ko na mahal ka. Hindi ko naisip na makukuha niya 'yong pagmamahal ko sa 'yo. Walang sumagi sa isip ko na pwedeng matulad sa machine na 'to ang nararamdaman ko sa taong gusto ko"-Luxzell

-----

"Hindi ko inaasahan na...sa machine mo ako mahuhulog at hindi sa 'yo Luxzell.Gusto ko 'yong dating ikaw, ikaw na masaya. Kung hindi mo kayang ibalik mag isa ang dating ikaw... handa akong tulungan ka pero kung hindi, baka kay S-Sevi ko maipadama yung pagmamahal ko na dapat sa 'yo."-axquecia

-----

"Hindi ko inaasahan na mahahantong tayo sa punto na pag iisipan mong ishutdown ako dahil sa lintik na pag ibig na 'yan. Hindi ko inaasahan na pag iisapan mo na patayin ako pagkatapos mo akong lapitan kapag may kailangan ka pero... handa akong ishutdown mo kung 'yon ang magiging plano mo basta maipapangako mo na ibabalik mo ang dating ikaw pero kapag hindi... mananatili ako sa mundong ito at hindi mo na ako mapapasunod kahit kailan mo gusto"-Sevi

-------------------------------------------------------------------------

SHS SERIES I: SECOND VERSION
SHS SERIES II: CHASING THE MOON
SHS SERIES III: BECAUSE I MET YOU

(Typographical and Grammatical error ahead, Under editing. I'm not good in grammar so instead of bashing me, teach me)


3shaaah
@AllRightsReserved2021

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now